'Mga paratang kay Grace maling-mali'
Para na talaga akong daliri na nakasawsaw sa lahat ng isyu dahil hindi ko matanggihan si Mario Dumaual nang tanungin niya ako tungkol sa isyu kay Grace Ibuna.
Bilang matagal nang kakilala at kaibigan ni Grace na naging karelasyon ni Gabby Concepcion noong ako pa ang manager ng aktor, sinabi ko kay Mario ang aking saloobin tungkol sa bintang na after si Grace sa kayamanan ni Congressman Iggy Arroyo.
Baka nakakalimutan ng mga detractors ni Grace na nabibilang siya sa old rich family at may sinasabi ang kanyang pamilya sa San Juan.
Mabubuhay si Grace at ang kanyang mga anak, kahit hindi siya magtrabaho. Hindi naman siya jobless o poor girl nang magkaroon sila ng relasyon ni Congressman Iggy.
Hindi na kasalanan ni Grace kung tumanggap o makatanggap siya ng pamana mula sa lalaki na kanyang minahal. I’m sure, na-feel ni Congressman Iggy ang tunay at wagas na pagmamahal ng partner noong nabubuhay pa siya.
Maling-mali ang mga paratang na naghahabol si Grace sa kayamanan ng sumakabilang-buhay na congressman ’no?! Mga bintang lang ’yon ng mga tao na pinaiiral ang inggit at hindi alam ang magandang background ni Grace at ng pamilya nito.
May plano ako na makiramay sa naulilang pamilya ni Congressman Iggy dahil friends kami ng kanyang pamangkin, si Congressman Mikey Arroyo, at ni Grace.
Hindi pa ako pumupunta sa burol ni Congressman Iggy dahil sa pakiusap ng kanyang pamilya na bigyan sila ng pribadong pagluluksa.
In fairness, iginalang ng media ang request ng pamilya dahil hindi sila nagtangka na pumasok sa La Vista o sa bahay ng mga Arroyo. Nakuntento ang mga media na mag-report mula sa entrance gate ng exclusive village na tinitirhan ng mga Arroyo.
Imposible na makapunta ako sa burol ni Congressman Iggy noong Huweebes dahil sa aking busy schedule.
Nagpunta ako sa lunch time presscon ng My Kontrabida Girl, sumaglit ako sa another presscon at sa birthday party ni Mama Wilma Galvante na courtesy of Mother Lily Monteverde.
Sobrang busy ko noong Thursday dahil na-scrap sa schedule ko ang plano na pagpunta sa Rustan’s Makati City para gamitin ang mga gift certificates na love offering sa akin ni Papa Miguel Belmonte.
Mamaya ko na lang gagamitin ang mga gift certificates pagkatapos ng misa para sa 60th birthday ni Rudy Fernandez sa Heritage Park.
Party ni Wilma star-studded
Nag-enjoy ako sa birthday party ni Mama Wilma sa Imperial Palace Suites dahil sa pagdating ng mga bisita na matagal ko nang hindi nakikita o nakakatsikahan.
Star-studded ang party dahil sa attendance ng mga artista ng GMA 7 at ng who’s who sa entertainment industry.
Siyempre, ang pag-apir ni Annabelle Rama ang isa sa mga highlights ng party. Ang pagdalo ni Bisaya ang malinaw na proof na bati na talaga sila ni Mama Wilma.
Nagtagal ako sa party hanggang 10 p.m. dahil naging aligaga ako sa pakikipagkuwentuhan sa mga bisita na nag-enjoy sa masasarap na pagkain na ipinahanda ni Mother Lily.
Dahil present din sa party si Girlie Rodis na hobby ang photography, nakunan ng litrato ang halos lahat ng mga bisita as in walang nakaligtas sa kanyang matalas na mata.
- Latest


























