^

PSN Showbiz

Rhian at Erich magsasabong sa takilya!

- SEEN SCENE -

SEEN : Dumating mula sa London, England noong Miyerkules ng gabi ang bangkay ni Congressman Iggy Arroyo.

Naging mailap sa media si Grace Ibuna. Panay ang pakiusap niya saka na siya magsasalita. Idiniretso sa Arlington Funeral Homes ang mga labi ni Congressman Arroyo at kahapon ay dinala siya sa ancestral house nila sa La Vista, Quezon City para sa kanyang burol.

SEEN : Erich Gonzales versus Rhian Ramos sa March 14 dahil magsasabong sa box office ang kanilang mga pelikula.

Si Erich ang bida sa Corazon, Ang Unang Aswang at si Rhian ang lead actress ng My Kontrabida Girl.

SCENE : Nagmistulang luma ang Corazon, Ang Unang Asawang dahil sa report ni Bianca Gonzales sa Umagang Kay Ganda na isang taon nang ginagawa ang horror movie nina Erich Gonzales at Derek Ramsay. Ipinaalaala ni Bianca sa mga viewers na ang pagtatambal sa pelikula nina Erich at Derek ang pinagmulan ng away noon nina Erich at Angelica Panganiban.

SEEN : Ngayon ang huling gabi ng Maria la del Barrio.

Matatagalan bago masundan ang television team up nina Erich at Enchong Dee.

SCENE : Wanted ng mga reporters ang actor-model na si Edward Mendez dahil sa balita na siya ang pinagseselosan ng todo ni Hayden Kho, Jr.

Parehong empleyado sina Hayden at Edward ng mga kumpanya ni Dr. Vicki Belo.

SEEN : Tuwang-tuwa si Claire dela Fuente dahil pinag-uusapan ang FHM cover ni Bela Padilla.

Si Claire ang manager ni Bela at ipinagmamalaki niya na lalong sumikat ang kanyang alaga dahil sa FHM cover controversy.

SCENE : Nakapasa sa bar exam si Christopher Lao, ang private citizen na biktima ng cyber bullying nang ipakita sa GMA News ang pagtatangka niya na ilusong sa baha sa Quezon City ang kanyang sasakyan noong August 2011.

Nagkaroon si Chris ng insurance ad para sa isang sikat na bangko dahil sa  kanyang flood experience.

SEEN: Binawi ni GMA Artist Center Head for Talent Management Arsi Baltazar ang kanyang resignation sa GMA Network Inc. Idinenay din ni Arsi ang balita na nagkaroon sila ng falling out ni GMAAC Ida Henares na nagbitiw na rin sa tungkulin, effective today. Ikinaloka ni Arsi ang kumakalat na balita na lumuhod at nag-apologize siya sa harap ni Ida nang mag-usap sila. Hindi raw totoo ang mga tsismis. 

vuukle comment

ANG UNANG ASAWANG

ANG UNANG ASWANG

ANGELICA PANGANIBAN

ARLINGTON FUNERAL HOMES

ARSI

ARSI BALTAZAR

ARTIST CENTER

ERICH

ERICH GONZALES

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with