^

PSN Showbiz

Al Galang biglang dumami ang estudyante simula nang maging 'baby' si Dr. Belo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Marami ang nakapansing ang laki nang iginuwapo ngayon ni Ervic Vijandre. Mas lalong sumeksi ito kaya dapat mabigyan na ng magandang project sa GMA 7.

Kung ikumpara sa ibang kasamahan niya sa Mercator ni Jonas Gaffud, mas marunong umarte si Ervic kaya wish ng marami ay mabigyan na ito ng magandang project.

Wala namang maireklamo si Ervic dahil sunud-sunod ang trabaho niya sa GMA. Katatapos lang niya ng Kokak pero meron agad kasunod dahil kasali rin siya sa The Good Daughter.

PAK: Tuloy na raw si Iwa Moto sa paglipat sa TV5? Sa March na matatapos ang kontrata niya sa GMA 7 at inaayos na ito ngayon ng kanyang abogado.

Ang kumpirmado, hindi na matutuloy ang paglipat sa Kapatid Network ni Carla Abellana dahil siya ang makakatambal ni Richard Gutier­rez sa bagong drama series nito. Kasali rin dito si Sarah Lahbati.

Haka-haka lamang lahat ’yun dahil marami pang mababago sa nilulutong project para sa aktor.

BOOM: Naging instant celebrity itong yoga instructor na nali-link ngayon kay Dr. Vicki Belo na si Al Galang.

Itinanggi naman niya ang namamagitan sa kanila ng doktora pero patuloy pa rin silang naiintriga.

Ang magandang resulta lang, lalong dumami ang estudyante ni Al na nagtuturo ng Bikram Yoga.

vuukle comment

AL GALANG

BIKRAM YOGA

CARLA ABELLANA

ERVIC

ERVIC VIJANDRE

GOOD DAUGHTER

IWA MOTO

JONAS GAFFUD

KAPATID NETWORK

RICHARD GUTIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with