^

PSN Showbiz

Miles ayaw ipasok sa ulo ang pagiging bida!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Nagsimulang makilala sa Goin’ Bulilit ang batang si Miles Ocampo noon at ngayon ay dalagang-dalaga na si Miles.

Kasama ang dalaga sa pinakabagong teen-oriented comedy show ng Kapamilya network na Luv U. Ginu-groom na raw ang dalaga para maging isang ganap na leading lady sa mga susunod na taon na maaaring sumunod sa mga yapak nina Bea Alonzo. “Siyempre nakaka-pressure kasi it’s my 10th year in showbiz. Hindi ako makapaniwala kasi hindi naman napagbibigyan lahat agad-agad. Masaya ako na itong time na ito, naibigay sa akin ‘yung opportunity,” nakangiting pahayag ni Miles.

Hinahangaan daw ng dalaga ang kanyang ate Bea pagdating sa pag-arte. “I was able to work with her sa Sa ‘Yo Lamang. Minsan lumalabas kami. Sobrang ate siya para sa akin. Nakita ko ‘yung passion niya sa pag-arte. ‘yung bigla siyang nagsi-switch in character. Tapos sobrang down-to-earth pa rin niya kahit Ms. Bea Alonzo na siya,” paliwanag ni Miles.

Samantala, May mga nagsasabi rin daw sa kanya na kamukha niya ang pop star princess na si Sarah Geronimo. “Kinikilig talaga ako, idol ko kasi si ate Sarah pagdating sa pag-perform at pagpapakilig ng viewers. Naging ate ko rin siya sa You Changed My Life at A Very special Love. Sabi nila ‘yun daw, nakakatuwa naman siyempre di ba,” dagdag pa ni Miles.

Natutuwa ang dalaga dahil isa na siya sa mga bida sa bago nilang TV show. “Nahihiya ako kapag sinasabi nila sa Luv U na ako ang bida. Hindi ko siya nilalagay sa ulo, sa puso lang talaga. Hindi dapat kapag may narating ka, hindi dapat sa ulo dumiretso. Dapat mahalin mo pa rin kung sino ka. Nakausap ko naman ‘yung management. May sinasabi silang plano sa akin. Pinaghahandaan ko talaga,” kuwento pa ni Miles.

Lea super fan ni James Ingram

Sa February 17 ay magkakaroon ng post valentine show sina Lea Salonga at James Ingram sa Smart Araneta Coliseum.

Kaabang-abang daw talaga ang show ng dalawa ayon kay Lea. “Well I’m in it,” bungad ng singer. Aminado rin si Lea na fan din siya ni James mula noon pa at bahagi ng kanyang buhay ang mga kanta ng international singer. - Reports from James C. Cantos

                                                                      

vuukle comment

A VERY

BEA ALONZO

JAMES C

JAMES INGRAM

LEA SALONGA

LUV U

MILES OCAMPO

MS. BEA ALONZO

SA FEBRUARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with