^

PSN Showbiz

Graduation ni Bianca, 'di sinipot ni Dennis!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Nag-graduate na si Bianca King sa La Salle St. Benilde nung nakaraang Sabado. Present ang buong pamilya ng aktres pero wala si Dennis Trillo.

Ginanap ang graduation sa PICC at kinober ito ng media pero walang Dennis na dumating. Ang sabi, baka Biritera taping daw si Dennis, at malamang hindi na lang ito pumunta dahil nalaman nilang nandun ang media.

Maingat pa rin ang dalawa sa mga sagot tungkol sa kanilang relasyon.

Ayon sa aming source, hindi raw talaga aamin ang dalawa dahil mas gusto nilang sa kanila na lang muna ang kung ano mang relasyon meron sila.

PAK: Natuloy ang pag-alis ni Dra. Vicki Belo patungong Amerika noong Linggo at hindi nga nito kasama si Hayden Kho Jr.

Napag-alaman ng aming source na hindi naka-book si Hayden sa flight na iyun, pero bago iyan ay may reservation daw silang da­lawa sa Business class. Magkatabi pa nga raw sila ng upuan, pero namataan na lang ng Startalk na ang makeup artist ni Dra. Belo ang kasama nito at mag-isa lang daw itong kumakain sa Mabuhay lounge. Hanggang sa nagsara ang check-in counter ng flight PR 102 patungong Los Angeles, California walang Hayden na duma­ting.

BOOM: Nag-submit ng reply si Annabelle Rama sa San Juan Prosecutor’s office sa counter-affidavit na isinumite ni Nadia Montenegro kaugnay sa kasong Theft na isinampa ni Tita Annabelle.

Ayon sa abogado ni Tita Annabelle na si Atty. Howard Calleja, open sila sa pakikipag-ayos kay Nadia, basta maglabas lang daw ito ng public apology at magbayad ito ng pagkakautang kay Tita Annabelle.

Pero mukhang malabo mangyari ‘yan dahil matigas din ang pahayag ni Nadia na never siya makikipag-ayos kay Tita Annabelle at lalo namang walang public apology na mangyayari.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

AYON

BIANCA KING

DENNIS TRILLO

DRA

HAYDEN

HAYDEN KHO JR.

HOWARD CALLEJA

LA SALLE ST. BENILDE

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with