^

PSN Showbiz

Katrina gustong mag-try sa iba

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi pa naghihirap si Katrina Halili para magbenta ng lupa niya sa Palawan. Hindi naman siya nawawalan ng assignments at maraming personal appearances siyang pinagkakakitaan bagama’t tatlong buwan siyang walang trabaho.

Pero guaranteed naman ang contract niya, may trabaho o wala, kumikita siya.

Mag-e-expire ang contract niya sa March at balitang hindi pa nito alam kung anong gusto niyang gawin.

Nagpaparinig na rin ba siyang lilipat siya sa ibang channel? Siguro naman mananatili siya sa network na nagluwal sa kanya.

Ruffa absent sa birthday ng ama

I’m sure kahit wala ang kanyang unica hija na si Ruffa Gutierrez ay naging masaya ang selebrasyon ng ika-70 kaarawan ni Eddie Gutierrez. Si Ruffa lamang naman ang wala, pero, andun maging ang mga anak niya kina Pilita Corrales (Ramon Christopher) at Liza Lorena (Tonton Gutierrez) at ang mga anak nila ni Annabelle Rama na sina Richard, Raymond, Rocky, Elvis, Ritchie Paul.

Ito ang maipupuri ko kay Mama Annabelle, alagang-alaga niya ang pamilya niya. Kahit anong pintas ang itapon ng mga kaaway niya sa kanya, mabait siyang asawa at ina.

Nasa bakasyon sa Brazil si Ruffa kasama ang kaibigang si Cristalle Belo Henares.

Jacky Woo tanggap na tanggap ng mga pinoy

Ngayon lang nababalita ang kabaitan ng Hapong si Jacky Woo eh, matagal na itong pabalik-balik ng bansa at tumutulong sa maraming Pinoy sa pamamagitan ng paggawa ng mga pelikula at TV shows dito.

Hindi naman siguro siya kagigiliwan ng marami nating kababayan kung nakita nilang fake ang ipinakikita niyang kabaitan. Sinsero si Jacky Woo, kulang na lang, magkaroon siya ng dugong Pinoy para maging kumpleto ang kanyang pagiging Pilipino.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

CRISTALLE BELO HENARES

EDDIE GUTIERREZ

JACKY WOO

KATRINA HALILI

LIZA LORENA

MAMA ANNABELLE

NIYA

PILITA CORRALES

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with