^

PSN Showbiz

John Lloyd ibang level ang pressure kay Angel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Inamin ni John Lloyd Cruz na ibang level ang nararamdaman niyang pressure ngayon para sa pelikula nila ni Angel Locsin na Unofficially Yours dahil sa tema nito.

“Medyo kakaiba ’yung tema. Kakaiba para sa Star Cinema pero ’yung tema naman na ’yun familiar naman na sa audience ngayon. Saka kasi dati ’di ba isang klase siya ng subject na hindi pinag-uusapan pero laganap? So, finally mata-tackle na sa isang pelikula. I’m very excited na maikuwento natin ito sa paraan na kung paano gumagawa ng pelikula ang Star Cinema,” paliwanag ni John Lloyd.

Kahit ipalalabas pa lamang sa Feb. 15 ang nasabing pelikula ay marami na ang naghihintay na proyekto sa aktor katulad na lamang ng bagong serye nila ni Bea Alonzo at isang pelikula pa kasama si Sarah Geronimo.

 “I’m very thankful na hanggang ngayon, sa ilang taon kong inilagi dito, nag-renew ako last year at sa pagpasok ng taon, pinagkakatiwalaan pa rin tayo ng ABS-CBN, ng Star Cinema, sa mga projects na ganito at ito talaga mga special na projects ito. Lahat ’yan mangyayari, lahat ’yan this year 2012.

“So, ang saya, very exciting ang taon. I’m very happy and very grateful to ABS-CBN,” giit pa ng aktor.

Samantala, masayang-masaya ngayon si John Lloyd dahil nagkabalikan na sila ni Shaina Magdayao pero ayaw na nilang isa-publiko ang kanilang relasyon para mas maging maayos ang lahat sa kanilang dalawa.

Makisig nami-miss si Dolphy, Fantaseryeng pinagsamahan nila hindi pa napapalabas!

Labis na nagpasikat kay Makisig Morales ang pinagbidahan niyang serye na Super Inggo noong 2006. Ngayon ay muling nagbabalik ang binatilyo sa telebisyon. Isa siya sa magbibida sa horror show na Oka2kat kasama pa ang ilang teen stars. Masaya si Makisig sa kanyang role sa bago niyang proyekto na magsisimula na sa Sabado (Feb. 4).

“’Yung role ko rito is hindi tulad nung mga nagawa ko ng shows dati. Dito ngayon more serious siya and talagang knowledgeable siya. Challenging ’yung role ni Neil kasi parang ito ’yung other side ko naman na pagiging matalino ’tapos parang gusto ko maging valedictorian. Puro aral siya, wala siya talagang adventure sa buhay niya, puro books. Sa bahay lang siya, ’yan lang ginagawa niya. Challenging kasi ibang-iba run sa mga nagawa ko na mga shows,” kuwento ni Makisig.

Samantala, pinanghihinayangan ni Makisig ang fantaseryeng Utoy na pinagsamahan nila ng Comedy King na si Dolphy ilang taon na ang nakararaan dahil hindi pa ito naipalalabas hanggang ngayon.

“Gusto ko sanang matuloy ’yun kasi si Tito Dolphy ’yun. Parang it was an honor na makasama si Tito Dolphy, medyo sayang lang po. Hindi biro ’yung ginawa namin dun kasi madalas kami sa ilog. So nabababad-babad kami dun at sobrang pinaghirapan namin ’yung show na ’yun. Sa pilot episode, mukhang doon nagkaaberya. Hindi ko alam kung anong nangyari. ’Yan lang ang pagkakaalam ko talaga,” seryosong pahayag ng binatilyo.

Maraming natutunan si Makisig sa mga panahong nakasama niya ang hari ng komedya.

“Sobrang bait ni Tito Dolphy. Actually, binibigyan niya ako ng mga advice kapag nandun kami sa set. Noong bata pa kasi ako, medyo malikut-likot pa ako noon.

“Sa kanya rin ako natuto na mag-focus talaga at ’yung hindi lang basta-basta ’yung work na ginagawa namin. Kaya nag-work hard talaga ako kasi siyempre kasama ko si Tito Dolphy kaya ’yung kilos ko medyo limited lang, tamang likot lang. Sobrang nami-miss ko si Tito Dolphy kasi nami-miss ko ’yung mga advice niya. Nami-miss ko siya mismo,” pagtatapos ni Makisig.— Reports from James C. Cantos

vuukle comment

JOHN LLOYD

KASI

MAKISIG

SIYA

STAR CINEMA

TITO DOLPHY

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with