^

PSN Showbiz

Kaluluwa ni Ramgen hindi pa nananahimik!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi pa rin nagiging malinaw ang kaso ng pagpatay kay Ramgen Revilla na kamakailan ay may lumabas na sex video involving him and his girlfriend na ayon sa imbestigasyon ay may European address ang sinasabing nag-upload ng video kaya hinihinalang si Ramona Revilla ito dahil ito lamang ang miyembro ng pamilya na nasa ibang bansa ngayon.

Sana malutas na ang kaso para naman malinis na rin ang pangalan nung mga walang kinalaman at nasasangkot lamang. At para rin matahimik na ang kaluluwa ng namatay na sa halip na ma­big­yan ng hustisya ay nababastos pa.

Shooting ng Hollywood film gagawin tuwing weekend

Mahigit isang buwan palang magso-shooting dito ang Bourne Legacy.

Nagbibigay ito ng alalahanin sa MMDA dahil siguradong makakaapekto ito sa malalang traffic sa Metro Manila pero at the same time, ay hindi nila matanggihan dahil maglalagay naman ito sa bansa sa mapa ng mga malalaking Hollywood movies. Hindi naman daw kailangang isara ang EDSA dahil magiging madali lamang ang shooting. Kung magkaka-traffic man, ito ay idudulot ng mga taong manonood ng shoot at hindi ng mga tao  ng produksiyon na magtatrabaho. Pipilitin din ng produksiyon na gawin ang shooting sa weekend.

Director ni david hindi pa makapagsimula

Matutuloy din pala ang stint ni David Archuleta para sa isang serye ng TV5. Darating ang American Idol finalist sa Biyernes para magsimula ng kanyang trabaho sa serye na tatampukan din nina Jasmine Curtis Smith, Eula Caballero at G. Toengi. Ang magdidirek ng project na si Mac Alejandre ay hindi pa sigurado dahil may ginagawa pa itong serye sa GMA 7 at mahigpit na kalaban ng TV5.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

BIYERNES

BOURNE LEGACY

DAVID ARCHULETA

EULA CABALLERO

JASMINE CURTIS SMITH

MAC ALEJANDRE

METRO MANILA

RAMGEN REVILLA

RAMONA REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with