^

PSN Showbiz

Martin mag-aala Simon Cowell!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Maganda ang poster ng Once In a Lifetime concert nina Martin Nievera at Sharon Cuneta at iginiit ng una na hindi dumaan sa Photoshop ang pic­ture nila ni Mega. First time magsasama ang dalawa sa isang concert at hindi rin malaman ni Mar­tin kung bakit walang nakaisip na sila’y pagsamahin dati.

Nangako ito ng isang magandang show, puno ng magandang musika, at lahat-lahat na. Marami silang duet ni Sharon at may solo spot siyempre. Tila nakadagdag sa excitement ni Martin sa concert ang bagong title na ibinigay sa kanya ni Mr. Vic del Rosario at ito’y ang pagiging Leading Man of Concerts.

“Magandang title ’di ba? Boss Vic gave it to me and incidentally, Viva will represent me for TV and endorsement offer,” sabi ni Martin.

Parang birthday concert nina Sharon at Martin ang Once In a Lifetime dahil nag-birthday si Sharon noong Jan. 6, at birthday ni Martin sa Feb. 5. Ipinagmamalaki nitong 50 years old na siya sa birthday niya, walang party dahil hindi siya mahilig sa party, pero welcome ang magbibigay ng gifts. Hahaha!

Produced ng Viva Concerts & Events and Mega Productions, Inc. ni Sharon ang concert na gagawin sa Smart Araneta Coliseum sa Feb. 11. Walang guest sa concert (hindi na kailangan ’di ba?) to be directed by Rowell Santiago.

Ibinalita nga pala ni Martin na isa siya sa mga judges ng X-Factor Philippines ng ABS-CBN na si KC Concepcion ang host. Hindi nito binanggit kung sino ang ibang judges dahil ongoing ang audition. So, magiging Simon Cowell ba siya?

“I don’t know. Hindi pa alam who’ll be the bitchy one among the judges. For me, honesty is the best policy,” sagot ng Concert King.

Rep. Lani walang objection kay Kris

Kung natuloy sa Hiram na Puso si Congresswoman Lani Mercado, makakasama sana niya si Kris Bernal, ang nililigawan ng anak na si Jolo Revilla ngayon. Hindi nito natanggap ang offer ng GMA 7 na gagawin sana niya after Amaya dahil focused muna siya sa health ni Jolo at sa trabaho niya sa Kongreso.

Nakasama na ni Rep. Lani si Kris sa All My Life at medyo kilala na niya ito. Wala siyang objection ’pag naging GF ito ng anak at baka nga makatulong para gumaling ang migraine ni Jolo. At dagdag pa niya, sakit din ito ni Sen. Bong Revilla, Jr., Andeng Ynares, at ng mother-in-law niya.

One week na lang ang Amaya at kung si Lani ang masusunod, ayaw niyang mamatay ang karak­ter niyang si Dal’lang dahil kawawa raw si Amaya (Marian Rivera). Wala na itong ama ’tapos mawawalan pa ng ina. Hindi nito sinabi ang ending at kung sino ang mamamatay kina Amaya at Bagani (Sid Lucero). Basta maganda ang twist.

Barko sa Amerika nasira, hindi na ma-aarbor ni German Moreno

Malulungkot at manghihinayang si German Moreno sa ibabalita namin sa kanya. Nabanggit nitong hihingiin niya ang Karakoa, ang boat na ginamit sa Amaya worth millions, sa GMA 7 at ilalagay sa Mowelfund. Palalagyan niya ng tubig ang swimming pool at dun ilalagay ang barko para kunwari nag­lalayag.

Kaso nabalitaan naming nasira ang Karakoa. Ang unang dinig namin, bi­naklas na ito pero may tsika ring kusa itong nasira dahil sa panahon. Kaya si­guro, itinuloy na lang baklasin.

Ang costumes, jewelry, at ibang stuff na ginamit sa epicserye ay ido-donate rin at naghahanap na ang network kung saan dadalhin ang mga ito.

Protégé winner tatambakan ng gagawin

Sa presscon ng mga executives ng GMA 7, hindi kinumpirma kung magkakaroon ng StarStruck this year at parang malabo ring magkaroon agad ng season two ang Protégé kahit successful ang run nito. Ang sabi ni Ms. Wilma Galvante, every year may search sila. Hindi nabanggit kung ano ang talent search nila ngayon.

Pakinggan kaya ng istasyon ang request ng fans na isunod agad ang season 2 ng Protégé para hindi masira ang momentum?

Nalaman namin kay Ms. Darling de Jesus na magiging regular sa Party Pilipinas si Krizza Neri at iba pang galing ng Protégé pero hindi lahat. Mara­ming gagawin sina Krizza at may nationwide tour pa sila.

AMAYA

EACUTE

GERMAN MORENO

KUNG

LANI

NIYA

ONCE IN

PROT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with