^

PSN Showbiz

Cristine: 'dito sa ABS-CBN nag-bloom ang career ko'

-

MANILA, Philippines - Masayang-masaya ang bida ng top-rating Kapamilya Gold teleseryeng Reputasyon na si Cristine Reyes sa magandang takbo ng kanyang career sa ABS-CBN.

Ayon sa aktres na kamakailan ay pumirma ng bagong kontrata sa Kapamilya Network, nagpapasa­lamat siya sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng istas­yon lalo na ngayong darating na 2012 kung saan ilang magagandang proyekto ang nakalinya para sa kanya.

“Dito sa ABS-CBN nag-bloom ang career ko, pero hindi ko naisip na darating ‘yung panahong tatawagin akong isa sa mga prinsesa ng ABS-CBN. Basta ako, hanggang ngayon, masaya ako at malaki ang tiwala nila sa akin.”

Maging sa kasalukyan niyang teleserye, ramdam ni Cristine ang suporta ng lahat, lalo na ng mga manonood. “Hindi namin inakala na mae-extend kami kaya sobrang salamat at maraming natutuwa sa Reputasyon.”

Sa pagpapatuloy ng kuwento, higit na kaabang-abang ang mga susunod na rebelasyon sa buhay ni Agnes delos Santos at ng mga taong nakapaligid sa kanya. Tuluyan na kanyang malinis ni Agnes ang kanyang reputasyon sa pagkakasakdal ng mortal niyang kaaway na si Catherine Villamayor (Aiko Melendez)?

vuukle comment

AGNES

AIKO MELENDEZ

AYON

CATHERINE VILLAMAYOR

CRISTINE

CRISTINE REYES

DITO

KAPAMILYA GOLD

KAPAMILYA NETWORK

REPUTASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with