^

PSN Showbiz

Paula Abdul, bokya na sa 'The X Factor'

-

MANILA, Philippines - Pinauwi na ang huli sa tatlong grupo na hinahawakan ni Paula Abdul sa The X Factor na Lakoda Rayne matapos matamo ng all-female quartet ang pinakamababang bilang ng mga boto. Sinamahan na rin sila ng pambato ni Nicole Scherzinger sa kanyang Over 30s na si LeRoy Bell matapos itong ma-eliminate via deadlock. Ang deadlock ay nagaganap kapag nagtabla ang boto ng apat na hurado sa kung sino sa dalawang acts ang papauwiin. Nasa boto na ng Amerika nakasalalay ang kanilang kapalaran kaya naman noong Biyernes (Nov 25) ay nanatili pa rin sa kumpetisyon si Marcus Canty habang eliminado naman si LeRoy dahil siya ang sumunod na may pinakamababang boto. Pitong acts na lang ang maglalaban-laban sa susunod na linggo. Kumpleto pa rin ang mga manok nina Simon Cowell at L.A. Reid; isa na lang ang tira kay Nicole sa katauhan ni Josh Krajcik; habang tuluyan ng naubos ang mga pambato naman ni Paula. Sino kaya ang susunod na matatanggal? Manood ng The X Factor via satellite tuwing Huwebes at Biyernes, 7:00 P.M. sa Studio 23.

vuukle comment

AMERIKA

BIYERNES

HUWEBES

JOSH KRAJCIK

LAKODA RAYNE

MARCUS CANTY

NICOLE SCHERZINGER

PAULA ABDUL

SIMON COWELL

X FACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with