^

PSN Showbiz

Ama ni Iza namaalam na

-

MANILA, Philippines - Sumakabilang-buhay na ang ama ni Iza Calzado kahapon, Nov. 11, ng hapon.

Ito ay unang ibinalita ng talent manager ng Kapuso actress na si Noel Ferrer.  

Si Lito Calzado, na isang direktor at dating choreographer-dancer, ay matagal nang may sakit na liver cancer bago tuluyang bumigay sa naturang karamdaman. Pumanaw siya sa edad na 65.

Makikita ang mga labi ni Direk Lito sa Arlington Chapel.

Si Lito ang direktor ng Walang Tulugan with Master Showman na prog­rama ni German Moreno.

Matagal din siyang naratay sa hospital bago tulu-yang binawian ng buhay.

Nanahimik si Iza sa matagal nang sakit ng kanyang ama.

Pacquiao-Marquez III: World Welterweight Championship, mapapanood sa GMA 7

Ngayong Linggo, Nobyembre 13, mapapanood sa GMA Network (GMA) ang pinakaaabangang labang Pacquiao-Marquez III: World Welterweight Championship sa pagitan ng pound-for-pound king at Filipino boxing hero na si Manny Pacquiao at ng Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez.

Matutunghayan ito via satellite mula sa Las Vegas sa GMA Channel 7 simula 11:00 a.m. May live blow-by-blow action din sa Super Radyo DZBB 594, 97.1 Barangay LS, at sa lahat ng RGMA Super Radyo at Campus Radio stations nationwide simula 9:00 a.m.

Itinuturing na fight of the century, ang ikatlong ins­tallment sa Pacquiao-Marquez match-up ang ta­ta­pos sa lahat ng alinlangan mula sa controversial draw sa una nilang paghaharap noong 2004 at sa split decision na panalo naman ni Pacquiao sa pangalawa nilang laban noong 2008.

Malampasan kaya ni Marquez ang bilis ng kamao ni Pacquiao? O maipagpapatuloy ng Pambansang Kamao ang kanyang pananalasa sa boxing ring?

Tampok din ngayong Linggo, 10:00 hanggang 11:00 a.m, sa GMA ang pre-fight special na Pacquiao-Marquez III: Magkalabang Mortal.

Pangungunahan ng veteran sportscaster na si Chi­no Trinidad, mapapanood sa special ang mga eksklusibong interview at footage mula sa ginawang paghahanda ng dalawang boksingero para sa ikatlo nilang pagtatapat. 

Ang main event, Pacquiao-Marquez III: World Welt­erweight Championship, na magaganap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, ay matutunghayan via satellite sa GMA Channel 7 simula 11:00 a.m.

Bukod sa magiging resulta ng laban although alam na ng marami na mananalo si Pacman, inaa­bangan din ang sasabihin ni Jinkee na balitang nag­ti­tim­pi ng kanyang galit para hindi masira ang focus ng kanyang asawa sa magiging laban nito kay Marquez.

Nasa Amerika na si Jinkee.

Siyempre ayaw nga naman niyang matalo ang asawa.

Sayang ang bilyones na kikitain nito.

vuukle comment

ARLINGTON CHAPEL

CAMPUS RADIO

DIREK LITO

LAS VEGAS

MARQUEZ

PACQUIAO

PACQUIAO-MARQUEZ

SHY

SUPER RADYO

WORLD WELTERWEIGHT CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with