^

PSN Showbiz

Aktor 'ipinagpalit' ang GF sa ex na singer?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Hahaha! Natuwa ako sa kuwento ng isang ba­ding. Ang hula nila, nagkabalikan ang isang aktor at isang singer na dating magkarelasyon kaya biglang naetsapuwera sa eksena ang karelasyon ng aktor na aktres.

Korek, ’yan ang kuwento ng source habang nagko-coffee kami kahapon.

Sa sobrang kasabikan ng dating magkarelasyon, nalimutan ng aktor na may dyowa pa pala siya.

Eh kaso nadiskubre raw ng aktres ang pagiging unfaithful ng aktor at nahuli pa na naglalambingan ang dalawa.

Hurt daw si aktres at hindi matanggap sa sarili na may iba na ang kanyang dyowa, kuwento ng source.

Grabe, pang-MMK talaga ang relasyon ng mag-dyowang ito kung totoo ang mga naglalabasan.

Wait natin kung anong magiging ending ng relasyon nila ngayong nasa eksena na si singer, sabi pa ng ka-coffee ko.

Wilson Flores kinuhang speaker ng Engineers Convention

Kinuhang speaker sa gaganaping engineers convention ang Philippine Star columnist, realty entrepreneur, college professor, and Inside Showbiz magazine editor-in-chief na si Wilson Flores. Gaganapin ang National Convention ng Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) sa SMX Convention Center, Mall of Asia, Pasay City ngayong araw, Oct. 26, 2 p.m.

Mahigit 2,000 ang delegates ng 68 PSME chapters ang a-attend sa taunang convention ng mga mechanical engineers sa bansa.

Ang mga leaders ng PSME ay sina Liberato Virata (president), Rudy Sultan (EVP), Lorenzo Larion (VP), George Yorobe (VP), Joseph Rudente David (VP), Murry Demdam (VP), and Cipriano Marcelo (VP).

Isa si Wilson sa kolumnistang naghakot ng awards sa Catholic Mass Media – 11 na ang napanalunan niya at tatlong Palanca literary awards.

Kaya nga paborito na siyang speaker sa mara­ming convention sa bansa.

Claudine naglupasay sa bangko, P5 million na-withdraw ni Raymart?

Magsasalita kaya si Claudine Barretto tungkol sa issue na may malaking problema sila ngayon, at seryoso raw huh, ng asawa niyang si Raymart Santiago?

Ang rason ng malaking gulo, ay limang milyong piso. Yup, you read it right.

Imagine, one time raw nag-check si Claudine ng time deposit nila ng asawa sa isang bangko sa Quezon City, andun naman ang milyun-milyon na nasa pangalan nilang mag-asawa. Aba, after 40 minutes, wala na raw. Na-withdraw na. At nang malaman ni Claudine na wala na ang limang milyon sa bangko, iyak daw nang iyak ang aktres. 

Ang paliwanag daw ng bangko, na-withdraw at sa ibang branch ng bangko na-transact.

And/Or and account kaya puwedeng ma-withdraw ng isa sa kanila ang pera kahit hindi alam ng ka-“or” or “and.”

At ang sabi ng source, may involved daw na ibang girl sa gulo ng mag-asawa. Isang kilalang aktres na may karelasyong TV host.

May kasamang lawyer nang pumunta si Claudine sa bangko.

Bukas ang pahinang ito sa anumang paliwanag nina Claudine and Raymart para malaman ng lahat ang totoo. Mas maigi na ’yung sa kanila mismo magmula ang totoo kesa lumala pa ang issue.

PB naka-B sa CEB

Graded B ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang Praybeyt Benjamin na magsisimulang mapanood ngayon sa mga sinehan.

Mataas ang expectation sa pelikulang ito lalo na nga’t kumita ang debut movie ni Vice Ganda na Petrang Kabayo ’tapos si Derek Ramsay pa ang sinasabi ngayong box-office king matapos pumatok ang No Other Woman na hanggang ngayon ay palabas pa rin.

vuukle comment

CATHOLIC MASS MEDIA

CINEMA EVALUATION BOARD

CIPRIANO MARCELO

CLAUDINE

CLAUDINE AND RAYMART

CLAUDINE BARRETTO

CONVENTION CENTER

DEREK RAMSAY

WILSON FLORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with