Brod Pete, Brod Jocel, at Brod Willy balik- Bubble Gang!
() - October 21, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Naging masaya at pinag-usapan ang 1st part ng Bubble Gang 4 x 4: The Anniversary Special noong Biyernes. Kasabay nito ang pamamayagpag ng programa sa micro-blogging site na Twitter, bilang isa sa mga trending topics sa Pilipinas.

Pinatunayan nito na nangunguna pa rin sila sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga Kapuso.

Ngayong Biyernes, ipagpapatuloy ng Bubble Gang 4 x 4 ang selebrasyon ng kanilang ika-16 na anibersaryo.

Abangan ang pagbabalik ng phenomenal trio na sina Brod Pete, Brod Jocel, at Brod Willy sa Ang Da­ting Doon.

Makikigulo rin ang mga Kapuso stars na sina Solenn Heussaff at Rocco Nacino sa kuwelang sina Moymoy Palaboy para sa isang comical music video.

Samantala, muling babalikan ng Bubble Gang 4 x 4 ang mga characters na tumatak sa puso ng mga manonood sa nakalipas na labing-anim na taon.

Kaya naman huwag ng magpapahuli, samahan sina Ogie Alcasid, Michael V, Rufa Mae Quinto, Antonio Aquitania, Dennis Trillo, Maureen Larrazabal, Boy 2 Quizon, Diego, Moymoy Palaboy, Myka Flores, Bubblets na sina Jackie Rice, Gwen Zamora, Ellen Adarna at Sam Pinto pagkatapos ng Inside Protégé, sa GMA 7.

ANG DA ANNIVERSARY SPECIAL ANTONIO AQUITANIA BROD JOCEL BROD PETE BROD WILLY BUBBLE GANG DENNIS TRILLO ELLEN ADARNA MOYMOY PALABOY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with