^

PSN Showbiz

Lovi atras muna sa paseksihan!

- Veronica R. Samio -

Inamin ni Lovi Poe na may pressure siyang nadarama sa pagpapalabas ng Regal Entertainment, Inc. ng Aswang sa Nobyembre 2. Nag-aalala siya dahil horror ang genre nito at sanay siya sa drama.

“’Di ako sanay manakot kaya tuwing makakatapos kami ng eksena natatawa ako,” pag-amin ng aktres.

Incidentally, dala-dalawa ang ginagawang pelikula ni Lovi na may titulong Aswang. Kung dito sa isa Regal flick ay kapareha niya si Paulo Avelino, sa isa pang Aswang film ay si Dingdong Dantes naman ang kasama niya.

“Ako ang hinahabol dun sa amin ni Dingdong. ’Yung sa amin ni Paulo, ako ang naghahabol,” anang aktres na sa sobrang kaabalahan ay nakakalimang pelikula na sa taong ito.

“Malaki ang pasasalamat ko kay Mother Lily (Monteverde) dahil nung una akong mag-artista ay walang naniwala sa akin, si Mother Lily lang.”

Pagtatapat pa ng aktres, na super okay ang pakikipagtambal kay Paulo Avelino, ito ay baka sa dahilang pareho sila ng manager (Leo Dominguez sa pelikula at sa TV ay si Deo Endrinal ng ABS-CBN ang nakikipag-negotiate para sa kanya).

“Pareho rin kaming endorser ng Bench. Talagang okay kami, ’di na namin kailangang mag-effort pa, parang magkapatid na ang turingan namin,” sabi ni Lovi na pinagmukhang marungis at nakakatakot pero ginawang aswang na may puso, if there is such a thing.

Kahit isang aswang ay hindi maiwasang hindi mapansin ang kaseksihan ni Lovi. Dahil sa naging tagumpay ng My Neighbor’s Wife, pinalagyan ni Mother Lily ng kissing scene ang pelikula, isang sort of a dream sequence nila ni Paulo.

“Pero ayaw ko nang palaging gumawa ng sexy scenes tulad ng sa My Neighbor’s Wife,” sabi pa niya.

Nang tanungin naman ang kanyang  reaksi­yon ngayong nakatakda nang lumabas ng  bi­lang­guan ang kanyang dating boyfriend, sinabi ni Lovi na, “Matagal ko siyang hindi nakita kaya hindi ko alam kung ano ang magiging feelings ko kapag magkita kami.”

Love scene ni Sam kay Cesar binantayan ng nanay

Mukhang talagang gagawing mainit ang love scene nina Cesar Montano at Sam Pinto sa Hitman, ang pelikula na pinrodyus, dinirek, at tinatampukan ni Buboy  bilang artista rin.

Gagawing selling point ng nasabing pelikula ang mainit na eksena ng da­lawa na sa takot marahil ng ina ni Sam dahil kung anu-ano ang naririnig niya ay nagpasyang maging present sa set nung araw na kinunan ang nasabing eksena. Pero wala pala siyang dapat ikabahala. Magandang nakunan ni Cesar ang eksena ng disente at malinis.

Wala ring dapat ikabahala na baka maputol ito ng mga board censors dahil kahit isa ’yung sensual scene lumabas ito napakaganda at very artistic. Maging ang misis ni Cesar na si Sunshine Cruz ay hindi nagawang magselos at sa halip ay bumilib ito sa napakahusay na pagkakagawa ng mister sa hiningi ng eksena.

Kung sa ibang mga nakapareha ni Cesar ay nakaramdam ng selos ang aktres, kay Sam ay kampante ito na wala siyang dapat ipag-alala. Isa pa, bantay-sarado rin ang ina ng pinakaseksing babae sa mundo. May tiwala ito sa anak, pero sa mga lalaking umaaligid sa aktres siya nag-aalala. 

vuukle comment

ASWANG

CESAR MONTANO

DEO ENDRINAL

DINGDONG DANTES

LEO DOMINGUEZ

LOVI

MOTHER LILY

MY NEIGHBOR

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with