^

PSN Showbiz

Kaya hindi sumikat-sikat... Female singer walang kabuhay-buhay mag-perform!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Wala talagang karisma o X factor ang female sing­er na napanood ko kahapon sa TV. Maganda nga ang boses niya pero walang connect sa audien­ce ang hitad.

Hindi na ako nagtataka kung bakit hindi sumikat-sikat ang female singer na matagal na sa entertainment industry. Wala siyang mass appeal o karisma na importante sa isang performer. ’Day, wala kang kabuhay-buhay. Liability ka ng show, hindi asset!

Music Video Pa Lang Ginastusan Na

Nag-promote si Nora Aunor sa Wil Time Bigtime ng Sa Ngalan ng Ina noong Sabado at nang sabihin niya ang name ng direktor na si Jon Red, John Rendez ang dinig ko.

Medyo nagtaka nga ako dahil hindi ko alam na direktor na rin pala si John. ’Yun pala, Jon Red ang name na sinabi ni Nora. Si Jon ang co-director ni Mario O’Hara sa Sa Ngalan ng Ina na pinagbibidahan din ni Christopher de Leon.

Hindi pa tapos ang taping ni Boyet para sa mini serye ng TV5 dahil may isang taping day pa siya na nalalabi.

Naniniwala ako na ginastusan ng TV5 ang Sa Ngalan ng Ina, lalo na nang mapanood ko ang music video ng mini serye.

Si Basil Valdez lang naman ang kumanta ng theme song ng Sa Ngalan ng Ina. De-kalibreng singer si Basil at para pumayag ito na kantahin ang theme song, bilib din siya sa project. Walang kakupas-kupas ang boses ni Basil dahil hindi nagbago ang timbre nito.

Direk GB nagpapayat para kay Daiana

Hindi true ang tsismis na hiwalay na si Daiana Menezes sa kanyang boyfriend, ang TV director na si GB Samped­ro.

Nagkita kami ni GB sa contract-signing affair ni Lorna Tolentino sa EDSA Shangri-La noong nakaraang Martes at narinig ko ang kuwen­to niya na magbabakasyon sila ni Daiana sa Brazil sa December. ’Yun ba ang hiwalay?

Mukhang in love na in love si GB sa Brazilian model-actress na napadpad sa Pilipinas. Pumayat si GB dahil nag-diet ito as in parang ipinahiwatig niya na nagpapayat siya para sa kanyang girlfriend.

Hindi baguhan sa showbiz si GB dahil ex-member siya ng That’s Entertainment at naging direktor ng mga shows sa GMA 7, ABS-CBN, at TV5. May alam ako sa love life ni GB na ex-husband ni Maristel Fernandez, ang manager ni Jaya.

Kilala sa California

Anak ni Mo Twister gulat na gulat sa mga nagpapa-picture

Pinanood ko kahapon ang Paparazzi kaya nala­man ko na nakabalik na si Mo Twister mula sa Amerika.

   Dinalaw ni DJ Mo si Moira, ang anak nila ni Bunny Paras. Umalis si Mo sa Pilipinas noong Biyernes at bumalik siya kahapon nang madaling-araw. Hindi na niya sinipot ang huling araw ng week-long anniversary celebration ng Juicy.

Lumipad agad si Mo sa California nang malaman niya na may sakit si Moira pero tumanggi siya na pag-usapan ang kalagayan ng anak.

Ang say ni Mo, gulat na gulat si Moira nang mamasyal sila sa Americana Mall sa Glendale, California dahil sa rami ng mga Pinoy na lumalapit sa kanila at nagpapakuha ng litrato. Hindi aware si Moira na kilalang-kilala sa Pilipinas ang kanyang fadir at napapanood na sa Amerika ang mga programa ng TV5.

vuukle comment

AMERICANA MALL

AMERIKA

BASIL VALDEZ

BUNNY PARAS

INA

JON RED

MO TWISTER

PILIPINAS

SA NGALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with