^

PSN Showbiz

Aktor umamin Dennis at Bianca malalim na ang relasyon

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na pala ni Bela Padilla ang pagsali sa Ms. World-Philippines sa susunod na taon.

Isa raw sa pangarap niyang gustong matupad ay ang maging beauty queen at gusto niyang makuha ang titulong Ms. World Philippines sa susunod na taon.

PAK : May ilalabas pa raw ang mga dating staff ni Ange­li­ca Jones na mga ebidensiya sa anomalyang ginawa ng actress/politician.

Nakipag-ugnayan ang mga dating staff nito sa ilang showbiz-oriented talk show para ibunyag ang mga ginawa ni Angelica na labag sa kanyang responsibilidad bilang bokal ng Laguna.

Meron din daw ilalabas si Illac Diaz na makakapagpatunay na meron daw itong ginawang malversation of funds.    

Paniwala ng kampo ni Angelica, merong malaking pulitikong nasa likod ng paninira laban sa kanya. Sana tigilan na raw siya dahil wala raw siyang nagawang pagkakasala sa taumbayan.

BOOM : Hindi man deretsahang inamin ni Dennis Trillo, mukhang merong namumuong magandang relasyon nga sa kanila ni Bianca King.

Magtatapos na ang Sinner or Saint at inamin naman ng aktor na naging malalim na ang samahan nila ni Bianca.

Pero may mga nagsabing madalas daw na nakikitang magkasama ang dalawa at tila may iba na ang pagtitinginan nila.

“Lumalim naman talaga dahil simula pa lang nung Sinner or Saint talagang pareho kaming seryoso na pagandahin ‘yung show.

“Talagang madalas kaming mag-usap kung ano ‘yung puwede naming gawin para pagandahin yung show. So, ayun sa bawat eksena talagang pinaghahandaan naming mabuti. Ano lang naman pinagbubuti lang namin yung trabaho. Pareho kaming masaya sa ginagawa namin. Pa­reho kaming masaya sa nangyayari dun sa show at sa mga feedback ng mga tao sa napapanood nila,” pa-safe na pahayag ni Dennis.

vuukle comment

ANGE

ANO

BELA PADILLA

BIANCA

BIANCA KING

DENNIS TRILLO

ILLAC DIAZ

MS. WORLD PHILIPPINES

MS. WORLD-PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with