^

PSN Showbiz

Away nina Marian at Rhian matagal na

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ngayon lang mapatutunayan na merong sigalot na namamagitan between Marian Rivera and Rhian Ramos. Dati kasi ay tsismis lang ito. Both actresses chose not to comment on the matter, not that they needed to, dahil wala ngang nakaalam na may away sila kaya walang nagtatanong sa kanila.

It was only during Sen. Bong Revilla, Jr.’s birthday celebration ay nasabi nito na naging instrumental siya sa pagbabati ng dalawa. Hindi siya ang nagbati sa dalawa pero siya ang nag-instigate ng batian sa set ng Panday 2 dahil kasama niya ang dalawang Kapuso ladies.

Well, okay, all’s well between the two. At kung kailan sila nagkaayos, saka naman sila puputaktihin ng press para itanong kung ano ang sanhi ng pagkakagalit nila. Will they answer o ipagpatuloy na lamang ang nasimulan nilang pananahimik tungkol dito?

JayR magsisimula nang mag-promote sa ibang bansa

Congrats din kay JayR, international na rin siyang maituturing! Hindi na siya maiinggit sa kanyang friend na si Christian Bautista na una nang nag-release ng album sa Asia. Ito naman ang dahilan why the Prince of R&B chose to change his management agency pero naghiwalay sila ng mabuti ng kanyang dating manager.

STAGES ngayon ang nagma-manage ng kanyang career at ganun din ng kanyang girlfriend na si Krista Kleiner. May album siya na iri-release sa Asya na nilagyan ng Malaysian flavor dahil may isang kanta in Bahasa.

vuukle comment

ASYA

BAHASA

BONG REVILLA

CHRISTIAN BAUTISTA

DATI

KRISTA KLEINER

MARIAN RIVERA

PRINCE OF R

RHIAN RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with