^

PSN Showbiz

Shamcey naaapektuhan na ang relasyon sa dyowa?

RATED A - Aster Amoyo -

Parehong private persons ang magkasintahang Shamcey Supsup at Lloyd Lee pero magmula nang manalong 3rd runner-up sa recently concluded Miss Universe pageant na gina­nap sa Sao Paulo, Brazil si Sham­cey ay naging instant ce­lebrity na at ganundin ang kanyang boyfriend. Pero ayon kay Shamcey, wala namang na­bago sa kanilang relasyon sa kabila ng titulong kanyang inuwi sa Pilipinas. Aminado si Shamcey na sa simula pa lamang ng pagsali niya sa Binibining Pilipinas ay naka-suporta na ang kanyang boyfriend. Kung proud ang pamilya ni Shamcey ga­nundin ang sambayanang Pi­li­pino, mas sobrang proud para sa kanya si Lloyd.

For sure, magtutuluy-tuloy ang pagiging celebrity ni Shamcey lalo na kapag siya ay nag-showbiz na talaga. Since iba ang laro sa showbiz, hindi kaya maapektuhan ang magandang relasyon ngayon nina Shamcey at Lloyd?

Side A at The Company napuno ang theater ng Newport

Alam mo, Salve A., gusto kong pasalamatan ang aming long-time friend na si Lito Fugoso ng Viva Concert and Events dahil ito ang nag-provide sa amin ng anak kong si Aila Marie Reyes ng ticket sa napakagandang concert ng Side A at The Company na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Hotel the other Friday. I have to admit that it was one of the best live concerts na napanood ko na pinamagatang In The Company of Side A.

Makailang beses ko nang napanood mag-concert ang Side A (one of my favorite bands) pero never ko pang napanood sa isang full-length concert ang The Company. Gaano man ka-heavy ang traffic papuntang Resorts World, binalewala namin dahil pareho kami ni Aila na excited na mapanood ang concert. 

Bago kami pumasok ng theater ay nagkita kami sa entrance ng theater nina Ida Henares at ang balikba­yang si Ryan Fuen­tes na sa Canada na pa­la naka-ba­se. Nagkita-kita rin kami ng magkapatid na Vincent at Ve­ronique del Rosario at mister niyang si Jon Corpus. Dumating din ang bun­so ni Boss Orly Ilacad na si Catherin Ilacad, ang may-ari ng Posh Nails chain. Namataan din na­min ang mag-amang Dr. Jonathan Dizon at JS ganundin ang ama ni Aga Muhlach na si Cheng Muhlach at iba pang mga anak nito. Punumpuno ang 1,500-sitting capacity theater. Tulad namin, lahat ay nag-enjoy sa show ng Side A at The Company.

Ang Side A ay binubuo nina Joey Generoso, Naldy Gonzales, Joey Benin, Lee Von Calliao, at Ned Esguerra habang ang The Company naman ay sina Annie Quintos, Sweet Plantado, Cecile Bautista, Jay Marquez, at Moy Ortiz.      

Personal…

Belated birthday greetings kina Salve Asis (ng diyar­yong ito at PM) at Jerry Olea (ng Tonite). And bon voyage sa aking anak na si Aila Marie na balik-Japan after the summer holidays upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Kwansei Gakuin University sa Nishinomiya City.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AILA MARIE

AILA MARIE REYES

ANG SIDE A

ANNIE QUINTOS

BINIBINING PILIPINAS

SHAMCEY

SHY

SIDE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with