^

PSN Showbiz

May trauma pa, kaya wise na sa pagpili Jodi hindi babaero, responsible, at ire-respeto siya ang hinahanap na lalaki

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Isa sa mga pinakahinahangaang aktres ngayon sa telebisyon ay si Jodi Sta. Maria. Hindi matatawaran ang kanyang husay sa teleseryeng 100 Days To Heaven. Hindi nakasama ni Jodi Sta. Maria ang kanyang tunay na ama mula nang siya ay isilang. Matagal na raw hinahanap ng aktres ang kanyang ama pero nitong taon lang niya natuklasan kung nasaan ito. “Actually ang daming nangyari sa akin nitong first quarter of 2011, pagpasok ng 2011 nandiyan na lahat sila,” bungad ni Jodi.

Taong 2001 pa raw pala pumanaw ang tunay na ama ni Jodi kaya hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita. “Kasi hinanap nila (kamag-anak) ako, kay Malou Fagar pa. My tita and tita Malou are parang sa isang school sila sa college. Tapos tinanong ng tita ko dahil galing ng States na do you happen to know this girl ganyan. Siyempre eh kilala naman niya, so tinulungan niya ‘yung tita ko na makalapit kay Niel, ‘yung handler ko. Then nag-text ako, hindi ako nakakuha ng reply, tinawagan ko,” kuwento ni Jodi. Nang makita raw ng aktres ang larawan ng kanyang tunay na ama ay hindi niya maipaliwanag ang kanyang pakiramdam. “Hindi ko alam eh, hindi ko alam kung ano ang mapi-feel ko. Kasi unang-una naman, hindi ko masabi na pagmamahal kasi hindi ko naman nakasama. Siguro kahit paano, may panghihinayang na sana man lang ay napaaga ‘yung pangyayari ng lahat para nakapag-usap kami,” dagdag pa ni Jodi.

Kinausap din daw ni Jodi ang kanyang ina tungkol sa tunay na pagkatao ng kanyang tunay na ama. “Kailangan kong makuha ang kasagutan so I had to confront her about it. Hindi naman siya nag-lie. Na-kuwento ko muna na may pagkikitang naganap tapos noong dumiretso na kami sa tanong na siya ba? Kasi ang tagal na nito eh. Dumating pa ako sa point na I was chasing the wrong person.”

Samantala, ngayon ay isang taon at kalahati nang magkahiwalay sina Jodi at Pampi Lacson. Masaya naman ang aktres sa piling ng anak na si Thirdy.

Mayroon kayang bagong nagpapatibok sa puso ng aktres at ano ang hinaha­nap niya sa isang lalaki? “I’m meeting new people. Mahirap kasi dahil siyempre nasa proseso pa ng annulment. Makikita mo naman sa isang tao if he’s responsible, may sense of humor, masaya kasama and siguro someone na ire-respeto ka talaga at saka hindi babaero. Mas careful na ako ngayon sa pagpili kasi nakakatakot parang traumatic lang ng experience. Ngayon mas wise na sa pagpili ng susunod na magiging partner. Hindi ko ini-entertain na magpapakasal pa ba ako though I have never naman lost faith in love, pero alam mo ‘yung nandoon lang ‘yung fear after everything na nangyari,” paglalahad pa ni Jodi.   Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

DAYS TO HEAVEN

JODI

JODI STA

KANYANG

KASI

MALOU FAGAR

NAMAN

PAMPI LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with