^

PSN Showbiz

Eugene masama ang loob sa Star Cinema

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Pagkatapos ma-link kay Cesar Montano, kay André Felix na naman ngayon nali-link si Rachelle Ann Go.

Napabalitang nagpadala ng bulaklak ang disc jockey at ex ni Jennylyn Mercado kay Ra­chelle Ann pero ang sabi ng huli, walang ibig sabihin ang bu­laklak na ’yun dahil nagbigay lang ng suporta at hindi panliligaw.

“Hindi naman ibig sabihin na nagpadala lang ng flowers, nanliligaw na. We’re friends lang talaga. Walang panliligaw. Kung meron, ngayon pa lang pinangungu­nahan ko na, wala talaga,” natatawang pahayag ni Rachelle Ann sa nakaraang presscon ng Protégé na isa siya sa mga mentors.

Mas focused na lang muna sa kanyang bagong show ngayon ang kontrober­siyal na singer dahil mas kabado siya dahil kasabayan niya bilang mentor ang mga iginagalang niyang mang-aawit.

Sa Sept. 4 na magsisimula ang Protégé na kakaiba ang format ng isang singing competition.

PAK: Totoo kayang may tampo si Eugene Domingo sa Star Cine­ma dahil isinabay ang showing ng pelikula niyang Wedding Tayo, Wedding Hindi sa Zombadings?

Isa pala si Eugene sa nag-finance sa Zombadings at iniiwasan niya sanang itapat itong pelikula niya sa Star Cinema sa naturang indie film na kung saan ay kasali rin siya.

Matagal na itong nakakasa na Aug. 31 ang showing pero sinabayan pa rin ng Wedding Tayo, Wedding Hindi.

BOOM : Nagkabati na sina Arnold Vegafria at Mother Lily Monteverde sa birthday party ni Roselle Monteverde-Teo na ginanap sa Casa Roces nung nakaraang Huwebes.

Nakausap namin si Arnold bago ito pumunta ng birthday party at makikipagbati naman siya talaga dahil ganun naman daw talaga ang love-hate relationship nila ni Mother Lily.

Hangad na rin sana ni Arnold na magkaayos na rin sina Mario Bautista at ng alaga niyang si Carla Abellana dahil alam naman niyang walang intensiyon ang aktres na makipag-away sa veteran entertainment writer.

vuukle comment

ARNOLD VEGAFRIA

CARLA ABELLANA

CASA ROCES

CESAR MONTANO

EUGENE DOMINGO

JENNYLYN MERCADO

LILY MONTEVERDE

MARIO BAUTISTA

WEDDING HINDI

WEDDING TAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with