^

PSN Showbiz

Lotlot parating nakikitang lasing sa bar!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Sana hindi totoo ’yung balitang ipinaabot sa akin na palaging napagkikita si Lotlot de Leon sa mga bars at naglalasing? Baka naman umiinom lang. Iba ’yung naglalasing sa naghahapi-happy lang. Baka galing sa trabaho at nagre-relax-relax lang. Marami kasi sa atin have the tendency of making a mountain out of a molehill.

Alam ko wala naman siyang dapat ipag­lasing. Maganda ang takbo ng career niya, marami siyang projects. Okay naman sila ng mga anak niya. Sigurado akong nagsasaya lang siya.

Kapatid ni Rachel Alejandro may sariling banda na

Magiging bahagi rin ng showbiz ang nakababatang kapatid ni Rachel Alejandro na si Ali, anak ng kanyang daddy na si Hajji sa namayapa nang si Rio Diaz. May banda si Ali at magi-guest sa Walang Tulugan, isa sa mga Sabadong darating.

Meron silang debut album na gusto nilang i-promote sa show.

Tween stars magiging trend

Binabati ko si Mark Reyes. Sa rami ng mga kabataan na nasa cast ng Tween Academy: Class of 2012, walang makapagsasabi na hindi niya sila nabigyan ng fair exposure. Maganda nga niyang nailahad ang kuwento nila at maraming mga kabataan ang makaka-relate sa mga artista niya.

Zoren nagiging tsismoso!

Mabuti naman at napapangatawanan ni Zoren Legaspi ang pagiging co-host niya ng Paparazzi. Mahirap na trabaho ’yung ginagawa niya lalo’t isa siyang artista. Isang pagkakama­ling ibunyag ang isa man lamang sa mga blind items na sinasabi niya ay maaaring makaa­pekto sa kanyang pag-aartista kaya dapat, careful siya.

Hayaan na lamang niya ang intriga at kontrobersiya kina Ruffa Gutierrez, Cristy Fermin, Mo Twister, at Dolly Ann Carvajal. Siya dapat ay panatilihing blind talaga ang mga items niya, huwag niyang pangalanan, anumang pilit ang gawin sa kanya.

He should always be on the safe side, artista siya, sino ang makapagsasabi baka isang araw siya naman ang ma-blind item.

                

vuukle comment

ALI

CRISTY FERMIN

DOLLY ANN CARVAJAL

MAGANDA

MARK REYES

MO TWISTER

NIYA

RACHEL ALEJANDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with