^

PSN Showbiz

Sharon sasabak na rin sa pagpo-produce ng pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Dalawang taon na ang nakalipas nang huling gumawa ng pelikula ang Megastar na si Sharon Cuneta, ang BFF (Best Friends Forever) kung saan ay nakasama niya si AiAi delas Alas. Ngayon ay excited na si Sharon para sa bagong pelikula na kanyang gagawin.

“Yes, shooting na in October. Direk Lauren Dyogi is gonna direct, so I’m very excited. Si Direk Lauren pogi,” natatawang pahayag ni Mega.

Kakaibang Sharon ang dapat abangan ng kanyang mga tagahanga sa gagawing pelikula.

“Ang role ko ay nagtatrabaho sa call center, it’s different. It’s a family movie, wala akong ka-love team. Interesting, very nice story, ibang klaseng nanay,” kuwento pa ni Sharon.

Ayon pa sa aktres ay nakatakda rin silang gumawa ng pelikula ng Star For All Seasons na si Gov. Vilma Santos. Umaasa rin si Mega na muling makasama si Gabby Concepcion sa isang proyekto.

“We’re still hoping for that. I’m pretty sure it will push through. Just not as soon as everyone hopes. Ayoko naman kasi mag-comeback ng love story na Sharon-Gabby agad. Let us do our own stuff on our own muna. Darating tayo dun. Pasasaan ba? Pati ako fan ng love team na ’yun. I’m excited,” pagtatapat pa ng aktres.

Bukod sa pag-arte sa pelikula ay gusto ring subukan ni Sharon ang pagpo-produce. “I’m gonna go into co-production with certain projects. Saka I’m hoping kahit hindi ako artista sa iba, ako ’yung makiki-co-prod. Co-prod with Star Cinema and Viva, dadahan-dahanin. This is my bread and butter, so it’s not my priority to co-produce but it would be something nice to do on the side,” paliwanag pa ng Megastar.

Maja nanghihingi ng dasal para sa Thelma

Isang naiibang Maja Salvador ang mapapanood natin sa pelikulang Thelma na dinirek ng boyfriend ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano. Hindi pa man naipapalabas ang nasabing pelikula ay napansin at naimbitahan na ito sa 31st Hawaii International Film Festival.

“Ipagdasal po natin kahit hindi po para sa akin lang, mapansin lang ang pelikula nating mga Pilipino, first time po eh. Isa iyan sa mga gusto kong ma-experience po, na dalhin ’yung pelikula nating mga Pilipino sa ibang bansa para mapansin tayo,” pahayag ni Maja. 

“I’ll be there in October, I think we have our world premiere on Oct. 15. I’m excited to meet international producers, actors, and to see the reaction with Thelma and to see how this film will look like internationally. I hope this is the first of many festivals,” pahayag naman ni Direk Paul.

Ngayon ay nauugnay ang director at ang aktres. Sinasabing may espesyal na pagtitinginan, bagay na agad namang nilinaw ng dalawa.

“Sana po ay positive na lang ang ibigay nating lahat. Masyado na, tao lang ako na nasasaktan, hindi porke’t artista ’yung nakita n’yo, strong. Sige lang, ’di po nila ako mapapasuko sa kahit anong intrigang ibigay nila sa akin,” emosyonal na pahayag ni Maja.

“I’m here to say it’s not true. I’ll defend it. I feel bad that Maja feels bad, she doesn’t need that right now, but I always tell her don’t mind it. Maja really has no fault here. Maja is a great girl she’s got a positive attitude. She wants to focus on the film and maybe that’s why she’s so emotional,” depensa naman ni Direk Paul.

— Report from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BEST FRIENDS FOREVER

DIREK PAUL

GABBY CONCEPCION

HAWAII INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

MAJA

PELIKULA

THELMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with