^

PSN Showbiz

Isyu ng kanegahan ni Marian, ipinagtanggol ni Sen. Bong

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Masayang ibinalita ni Sen. Bong Revilla, Jr. na malapit nang matapos ang Panday 2 na entry nila ng GMA Films sa Metro Manila Film Festival.

Nagtataka siya bakit kung anu-anong negatibong balita ang naririnig niya tungkol kay Marian Rivera gayung ibang-iba naman ito sa ipinapakita sa kanila sa shooting. Wala silang problema sa aktres at kasundo pa nito ang mga nakakatrabaho niya lalo na ang production staff.

“Ibang Marian naman ang nakikita ko at malayo dun sa mga naririnig kong kuwento tungkol sa kanya,” reaksiyon ni Sen. Bong kay Marian.

Kahit si Rep. Lani Mercado ay pinupuri rin si Marian na nakakatrabaho naman niya sa Amaya.

Samantala, totoo kayang balak nina Sen. Bong at Cong. Lani na gumawa ng pelikulang pagsasamahan nilang dalawa? Matagal na rin silang hindi nagsasama at baka ibalik nila ang Yes Darling, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na dating pinagsamahan nilang mag-asawa.

Ang dinig ko pa, balak nilang isama si Eugene Domingo sa project na ito.

PAK : Nagulat ang baguhang aktor at The Hotmen member na si Kenneth Salva sa kumalat na balitang siya ang bagong dyowa ni Arnell Ignacio. Siya raw ang ipinalit kay Suzuki Sudutsaga na dating na-link kay Arnell.

Nagsama ang dalawa sa isang indie film na Bola na kung saan bida itong si Kenneth. Hindi pa naman naipalabas itong pelikula pero may mga ganung intriga nang naglabasan na ikinagulat nitong Hotmen member. Ginagawa lang naman niya ang trabaho na kung saan nagkaroon sila ng mainit na love scenes sa pelikulang ’yun, pero hanggang dun lang at hindi na umabot sa pakikipag-dyowa.

“Bago pa lang naman po ako at alam ko dapat ko lang gawin ang trabaho ko,” pahayag nito.

Anyway, kasali si Kenneth sa The Hotmen na magkakaroon ng Stripped: All Star Hunks show sa The Library sa Huwebes, 11:00 ng gabi. Special guests dito si Daiana Menezes at ilang indie actors na sina Johnron Tanada at Jacob Miller.

BOOM : Aminado si Lorna Tolentino na hanggang ngayon ay lalo pa niyang nami-miss si Rudy Fernandez. Kahit meron mang may balak na ligawan siya, mukhang malabo na itong mangyari dahil bukod sa ayaw ng dalawa niyang anak, nandiyan pa ang mga barkada ni Rudy na sina Sen. Bong, Sen. Jinggoy Estrada, at Phillip Salvador na napakaseloso at talagang nakabantay sa kanya.

“Kung sinuman diyan ang balak magparamdam, palagay ko hanggang magpapakiramdaman na lang kami,” natatawang pahayag ng aktres.

vuukle comment

ALL STAR HUNKS

ARNELL IGNACIO

BONG REVILLA

DAIANA MENEZES

EUGENE DOMINGO

HOTMEN

IBANG MARIAN

JACOB MILLER

JINGGOY ESTRADA

JOHNRON TANADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with