^

PSN Showbiz

Angel hindi nag-expect na susundan ni Phil sa Paris

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Kamakailan ay nagpunta si Angel Locsin sa Europe kasama ang ilan pang Kapamilya stars para sa Bida Kapamilya show doon.

Napabalitang lumubog daw ang yateng sinasakyan ng aktres habang bumabaybay sa St. Tropez, France kaya marami talaga ang nag-alala para kay Angel. “Basta may mga tumawag sa akin kasi nag-aalala sila kasi may isang site yata na parang sinasabi na missing nga ako sa Paris, na parang may sinakyan akong yacht. Lumubog at hinahanap ako ng guards at wala raw makita na kung anong remnants ‘yun. Medyo nagulat lang ako na may effort na may gumawa ng website talaga eh,” pahayag ng aktres.

Samantala, sinundan daw ni Phil Younghusband si Angel sa Paris para makapagbakasyon ang dalawa at para na rin ipagdiwang ang birthday ng football player noong August 4. “Sumunod siya sa Paris. Siyempre masaya na sinundan ka sa Paris. Nasabi niya sa akin ‘yun dati na susunod siya pero ‘di ko in-expect siyempre baka ‘di pumunta ‘di ba. Ayoko naman so ayun, sumunod naman siya,” kuwento ng aktres.

Naging masaya naman daw ang bakasyon nina Angel at Phil sa Paris kahit maiksing panahon lang nagkasama ang dalawa roon. “Hindi na ako nakaikot sa Paris. Actually medyo bitin din kasi, saglit lang naman kami dun. ‘Yun lang. masaya kami, nakapag-bakasyon kami doon, hindi naman namin nagagawa dito ‘yun sa Manila,” dagdag pa ni Angel.

Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Phil at Angel ngayon? “Actually, nahihirapan na akong humarap sa inyo kasi kapag may sinabi naman ako ‘di naman naniniwala. Basta ako, ganito lang, ang gusto ko lang munang i-make sure at kilalanin ang isa’t isa eh. Ganun din naman siya eh, masaya kami eh ganun,” makahulugang pagtatapos ni Angel.

Rachelle ann natakot nang ma-link kay Cesar

Marami ang nagulat at napaisip sa isang tweet message na nai-post ni Sunshine Cruz kamakailan. “Respect people’s relationships. There’s so many other fish in the sea, so why mess with the one that’s already been caught?” Pagkatapos nito ay pumutok na ang balitang nag-uugnay kina Cesar Montano at Rachelle Ann Go.

Noong isang buwan ay sabay na nagpunta sa Vancouver sina Cesar at Rachelle Ann para sa isang promotional tour. Agad namang dinepensahan ni Cesar ang sarili sa isyung pag-alalay at pag-aasikaso sa singer. “I don’t hold her hand kapag siya ay maglalakad or may gagawin. Napaka-hindi ko naman gentleman noon. Wala na akong choice, na-corner na ako sa sitwasyon na ito. Kailangan alalayan ko ito kasi siyempre siya ang nag-iisa lang na babae na kasama ko eh,” paglilinaw ni Cesar.

Pinabulaanan din ni Rachelle Ann ang isyung kinasasangkutan nila ng aktor. “Hindi po totoo ‘yun, wala pong katotohanan, nire-respeto ko ‘yung pamilya nila. Hindi po ako ganung klaseng tao, ‘di maganda ‘yung ganun. Sana huwag n’yo nang ipagpatuloy ‘yung pag-iimbento kasi hindi nakakatulong. Kung ako lang, sige tirahin n’yo ako pero huwag lang ‘yung mandadamay pa na ibang tao ‘di ba, may pamilya ‘yun,” pahayag naman ni Rachelle Ann. – Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANGEL

ANGEL LOCSIN

BIDA KAPAMILYA

CESAR MONTANO

LANG

LSQUO

NAMAN

RACHELLE ANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with