Sarah pinag-iisipan ng 'masama'
MANILA, Philippines - Maraming naghahanap kay Sarah Geronimo sa ASAP Rocks. Dalawang linggo na kasing hindi nila napapanood ang Pop Princess sa programa. Ayon sa handler ni Sarah, katatapos lang nitong mag-concert sa Australia kaya hindi nag-aapir sa programa ng Kapamilya every Sunday.
May nag-iisip naman kasi ng kung anu-ano kay Sarah na baka totoo na ang issue na lilipat nga siya ng network.
Pero ayon sa source, hindi ito mangyayari dahil walang plano ang Pop Princess na mag-iba ng tahanan sa kasalukuyan.
In fact, pagbalik ng bansa ay sisimulan na ni Sarah ang pelikula sa Star Cinema.
Mga kongresman hahataw sa concert!
Hahataw ang mga congressmen sa kantahan at sayawan sa isang musical benefit concert para sa veteran newspaperman na si Raul Beltran (Journal Group of Publications) na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na cancer sa Aug. 10, Celebrity Sports Plaza, Quezon City.
Ang Lousy Boys ng Congress ang guest band ng event na pinamagatang On the Beat kasama ang dalawang bigating banda.
Kasama naman sa mga celebrities na imbitado sa nasabing benefit dinner-concert produced by members of the House of Representatives’ media sina Reps. Manny “Pacman” Pacquiao (Sarangani); Lucy Torres-Gomez (LP, Leyte). at Lani Mercado (Lakas-Kampi, Cavite).
Pangungunahan ng The Bloomfields and Gabby Claudio’s electrifying The Double Vision, ang On the Beat ay isang gabi ng sayawan at kantahan and live musical entertainment for Senate and House members and other guests na ang layunin ay matulungan sa kanyang medical expenses si Beltran na kasalukuyang naka-confine sa Lung Center.
Ang Lousy Boys ng Kongreso ay binubuo ng mga young leaders ng bansa na may kakaibang musical talent — Reps. Sonny Angara (LDP, Aurora), Justin Marc Chipeco (NP, Laguna) and Bem Noel (Anak Waray); together with former Reps. Gilbert Remulla (NP, Cavite); Mujiv Hataman (Anak Mindanao) and Joel Villanueva (CIBAC), now director general of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
- Latest























