^

PSN Showbiz

Nora iwe-welcome na ng Singko!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Talagang darating na si Nora Aunor. May patawag na ng presscon ang Kapatid Network para sa kanya. Hindi lang para siya i-welcome kundi para malaman ng lahat ang tungkol sa pag-uwi niya, ang mga gagawin dito, at ang mga iba pang plano. Magkita-kita tayo sa petsang ipinang-imbita ng TV5.

Barbie nabibilisan sa panahon

Hindi lamang naman si Barbie For­teza ang masasabing minamadali ang pagdadalaga. Marami siyang ka­sing edad na artista na may ganito ring ilusyon.

Ewan ko ba kung bakit gustung-gusto na nilang magdalaga agad eh ang sarap-sarap maging bata, walang responsibilidad.

Eh ang mga adults, ang daming problema. Iyon ba ang gusto nila, ang umako ng problema at such an early age?

Kung sabagay, kahit kabataan pa ay naghahanap-buhay na sila. May mga binubuhay nang pamilya, kaya napipilitang mag-mature agad.

Pagkakataon ang nagpapa-mature sa kanila, hindi sila mismo.

Pero kung kakayanin n’yong enjoy-in ang kabataan, mag-enjoy kayo. Huwag kayong magmadali. Ang bilis ng panahon. Kayo rin, baka kung mabilis kayong tumanda ay hilingin n’yong bumalik sa pagkabata.

Kaya enjoy your youth while you can. Act your age. Huwag isipin agad ang mag-boyfriend. Hindi lahat ng love life ay nagdudulot ng aliw, marami ang lungkot ang hatid. Kayo rin.

Phil hindi malalaos kahit wala si Angel

Napaka-unfair ’yung sinasabing si Angel Locsin ang nagbibigay ng kasikatan kay Phil Younghusband. Hindi naman. Ang pangalan ng koponan nila ang nagbibigay ng kasikatan sa lahat ng manlalaro ng Philippine Azkals.

Puwedeng sabihin na nai-enhance ni Angel ang kasikatan ni Phil pero hindi siya mismo ang dahilan. Kahit hindi sila magkaroon ng relasyon, Phil will still be popular, as an athlete. Hindi rin siya malalaos agad dahil ngayon lamang nagsisimulang sumikat ang grupo at ang sports nilang football dito sa Pilipinas.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BARBIE

BARBIE FOR

EWAN

HUWAG

KAPATID NETWORK

NORA AUNOR

PHIL YOUNGHUSBAND

PHILIPPINE AZKALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with