^

PSN Showbiz

Maraming rumampa sa FHM victory party puro bilbil!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Pinagtsitsismisan ang mga babae na rumampa sa FHM Sexiest Victory Party sa World Trade Center dahil sa kawalan nila ng takot na magbuyangyang ng hubad na katawan.

Nagkalat daw ang mga babae na puro bilbil pero dedma dahil sa kanilang feeling na sila ang pinakaseksi sa lahat.

Siyempre, nadismaya ang mga nanood, lalo na ang mga mhin dahil nabitin sila. Hindi raw nila nakita ang mga sexy actress na kanilang pinapantasya at iniidolo.

Pero kahit disappointed, nag-stay sila at tinapos ang sexy show ng FHM na ginastusan nang malaki ng Summit Media, ang publisher ng sikat na men’s magazine,

Sunod-sunod ang event ng Summit Media dahil pagkatapos ng victory party ng FHM, ang announcement ng Most Beautiful ng YES! Magazine ang kanilang next project.

Kasunod ng Most Beautiful event ang Cosmopolitan Bachelor’s Party na inaabangan ng mga kababaihan at ng mga bading.

Mga girls and gays ang crowd ng Cosmo Bachelor’s Party at mga mhin at tivoli naman ang crowd ng FHM Sexiest Victory Party. Maraming tomboy ang na-sight sa FHM event at talagang nakikipagbalyahan sila sa mga kalalakihan para makalapit sa stage.

LT magri-recharge

Looking forward na si Lorna Tolentino sa kanyang mahaba-habang bakas­yon pagkatapos ng Minsan Lang Kita Iibigin.

Hindi madali ang maging bida-kontrabida sa isang teleserye kaya naiintindihan ko ang pagod na nararamdaman ni Lorna.

Nakaplano na ang much-needed vacation ni LT na palaging galit at masama sa kanyang role bilang Alondra sa Minsan Lang Kita Iibigin. Emotionally exhausting ang mga eksena ni LT kaya tama lang na mag-recharge siya.

Mahirap maging artista dahil minsan, whether they like it or not, dala nila hanggang sa pag-uwi ang emosyon na nire-require sa kanila ng direktor.

Talent manager problemado sa alagang nasusulsulan ng celebrity dyowa

Problematic ang isang talent manager dahil malaki ang ipinagbago ng ugali ng kanyang alaga mula nang maging dyowa ito ng pasaway na celebrity.

Nagkaroon ng ilusyon ang alaga na big star na siya dahil sa mga maling sulsol ng celebrity dyowa.

Marami ang nagpayo sa talent manager na huwag seryosohin ang mga drama ng kanyang alaga dahil pagsasawaan din ito ng karelasyon niya.

Walang tumagal na relasyon ang celebrity dyowa dahil sa mood swings nito at unpredictable behavior. Sa bandang huli, nasa talent manager pa rin ang hu­ling halakhak!

Pacman may mga kapalit pag nag-training

Magsisimula ngayong gabi ang Manny Many Prizes ng GMA 7. Tutukan ninyo ang game show ni Congressman Manny Pacquiao dahil mga bonggang premyo ang kanyang ipamumudmod.

Hindi ako magugulat kung ipamigay ni Manny sa unang episode ang house and lot para maging masaya at memorable ang pilot telecast ng Manny Many Prizes.

Ka-join ni Manny sa pagbibigay ng ligaya sa madlang-people sina Paolo Contis, Rhian Ramos, Isabelle Daza at Onyok Velasco. Kapag nagsimula nang mag-training si Manny para sa laban niya sa November, alam n’yo na kung sinu-sino ang mga hahalili sa kanya bilang host ng show.                                                

vuukle comment

COSMO BACHELOR

COSMOPOLITAN BACHELOR

DAHIL

MANNY MANY PRIZES

MINSAN LANG KITA IIBIGIN

MOST BEAUTIFUL

SEXIEST VICTORY PARTY

SUMMIT MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with