^

PSN Showbiz

Young stars na hindi pa kayang maging parents dapat maghinay-hinay sa landian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mukhang seryoso ang relasyon ng dalawang young stars at inamin ng dalawa na hindi puppy love ang nararamdaman nila. Sweet ang dalawa, la­ging magkadikit at minsan, nakita ng isang reporter na palihim na nagho-holding hands habang nagre-rehearse ng number nila sa isang show.

Sana lang, marunong dalhin ng dalawa ang kanilang relasyon, ’wag silang magmadali dahil maganda ang takbo ng career nila. Pareho silang maga­ling at malayo pa ang mararating. Pareho rin silang nag-aaral pa na tiyak masisira ’pag nagpadala sila sa kanilang damdamin.

Dahan-dahan lang mga bagets! Hindi pa kayang maging young mom ng aktres at lalong hindi kaka­yanin ng young actor na maging ama sa kanyang edad.  

Sumeksi na pero sobrang busy uli, Juday matatagalan pang sundan si Lucho

Payat-payatan na si Judy Ann Santos nang dumating sa presscon nila ng mister niyang si Ryan Agoncillo ng Purefoods Tender Juicy Hotdog. Kasama sa TV commercial ang anak nilang si Yohan pero wala ito sa presscon dahil sabi ng mag-asawa, mahiyain pa ang bagets, pero ihaharap din nila sa press. ’Yun nga lang ’pag 18 years old na.

Ang Cohen Diet ang sinusunod ni Judy Ann kaya mabilis pumayat, sayang at hindi nito narinig ang sinabi ni Ryan na lagot siya dahil sexy na uli. Pero mukhang matatagalan pa bago masundan si Lucho dahil busy ang mag-asawa sa trabaho. Sisimulan na nila ang shooting ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nilang My Househusband at nagti-taping na rin ang aktres ng Master Chef (Junior Edition) ng ABS-CBN.

Maganda ang TVC ng Agoncillo family, kung saan nag-Michael Jackson si Ryan, nag-Madonna si Judy Ann at ’80s din ang ayos ni Yohan. Kuwento ng aktres, tinatanong niya muna si Yohan kung gustong gawin ang komersiyal at big help kung pamilyar sa bata ang produkto dahil hindi nagtatagal ang sagot.

Balita pala namin, may isa pang food product na ie-endorse sina Ryan at Judy Ann na bawal pang banggitin pero tiyak na magkakaroon ng ingay ’pag umeere na.

Daniel nakaramdam ng panlalamig mula sa ex-BF ni Aiko

Kontrahin kaya ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses ang sinabi ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na nakaramdam siya nang pagbabago sa una nang magkita sila kamakailan sa isang okasyon. Dati, yumayakap sa kanya si Mayor Patrick bilang pagbati ’pag nagkikita sila pero mula nang magpahayag siya nang pagkontra sa persona non grata na gustong ipataw kay Aiko Melendez, hindi na warm sa kanya si mayor.

Naninindigan si Daniel na hindi dapat isali ni Patrick ang buong Bulacan sa isyu nila ni Aiko na personal issue. Hindi pa naman ibinababa ng Sanggunian ang desisyon, kaya malaya pang makakapunta sa Bulacan si Aiko.

Anyway, busy si Daniel sa trabaho bilang vice governor at maraming TV projects at isa rito ang Amaya. Ang ganda ng twist ng karakter niyang si Atubang sa epic serye na isa sa nagpapahirap ay ang malalim na Tagalog.

Mark Anthony at Camille  marami pang paiiyakin

Tuwang-tuwa ang lahat nang bumubuo ng Mun­ting Heredera dahil pumayag ang GMA 7 management sa ni-request na extension ng family drama. Five weeks ang ibinigay na extension at ibig sabihin, marami pang paiiyakin sina Manny (Roderick Paulate), Jennifer (Mona Louise Rey), Sandra (Camille Prats), at Jacob (Mark Anthony Fernandez).

Tinanong namin si Redgyn Alba kung may igi-guest sila sa family drama series. Sagot niya wala dahil kaya ng buong cast na patakbuhin ang series na original cast ang kasama. Hintayin na lang ang mga eksena nina Camille at Mark Anthony.

    

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

ANG COHEN DIET

BULACAN

BULACAN MAYOR

JUDY ANN

MARK ANTHONY

RYAN

YOHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with