^

PSN Showbiz

Inspirasyon ni Richard misteryosa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Malayo pa ang eleksiyon pero pinaghahandaan na ng isang aktres ang pagkandidato. Hindi na masyadong active sa showbiz ang aktres na tinutukoy ko kaya may oras siya para maglingkod sa bayan.

Hindi puwedeng sabihin na walang alam sa pulitika ang aktres dahil galing siya sa pamilya ng mga pulitiko. May kaalaman siya sa pamamalakad ng bayan dahil magaling na public servant ang kanyang ama at kapatid.

Malaki ang tsansa ng aktres na mag-win sa eleksiyon at posisyon na napipisil niya dahil maganda ang record ng kanyang ama sa kanilang bayan.

* * *

Mula 7 p.m. hanggang 12 midnight ang acting workshop ng magkapatid na Rap at Renz Fernandez. Kung minsan, inaabot ng alas-dos nang madaling-araw ang workshop na pinupuntahan ng mga anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino pero hindi sila nagrereklamo dahil gustung-gusto nila ang kanilang mga ginagawa.

Mahuhusay na artista sina Rudy at LT kaya nasa dugo nina Rap at Renz ang pag-arte pero kahit mga award-winning actors ang kanilang mga magulang, ayaw maging kampante ng magkapatid. Alam nila na kailangan ang mga acting workshops para mag-improve ang kanilang acting ability.

Contract stars na sina Rap at Renz ng Star Magic. Alagang-alaga ang dalawa. Bukod sa acting workshops, ikinuha ng Star Magic ng sariling stylist sina Rap at Renz.

* * *

 Nakalabas na ng ospital si Ricky Rivero dahil papagaling na ang mga sugat niya na resulta ng labimpitong beses na pananaksak sa kanya ni Hans Ivan Ruiz.

 Pareho ang determinasyon na gumaling agad ang ipinakita nina Ricky at Pilar Pilapil. Ang pagkakaiba lang, nakakulong na ang suspect sa pananaksak kay Ricky habang pinaghahanap pa ng mga pulis ang mga suspek sa tangka na pagpatay kay Pilar.

* * *

Lumabas na ang litrato ng rumored new inspiration ni Richard Gutierrez pero walang nakakaalam sa pangalan ng magandang babae.

Guest namin si Richard sa Startalk noong Sabado at ang kapayatan niya ang unang napansin ko.

Mali ang mga impresyon na tumaba si Richard dahil payat na payat siya sa personal. ’Yan ang epekto ng maghapon at magdamag na taping niya para sa Captain Barbell. Normal na nadadagdagan ng 10 pounds ang hitsura ng mga artista kapag nasa harap sila ng TV camera pero in person, okay na okay ang kanilang mga pangangatawan.

Aminado si Richard na may inspirasyon siya sa kasalukuyan pero hindi niya sinabi ang name ng tao na nagpapasaya sa kanya.

Hindi marunong magsinungaling si Richard kaya sa tuwing nagtatanong ang mga reporters tungkol sa kanyang love life, hindi siya nagde-deny pero maayos ang pakiusap niya na ibalato na lang ang isyu. Ibang-iba siya sa ibang artista na deny to death pero buking naman ng press ang pagsisinungaling.

vuukle comment

CAPTAIN BARBELL

HANS IVAN RUIZ

LORNA TOLENTINO

PERO

PILAR PILAPIL

RENZ

RENZ FERNANDEZ

RICHARD GUTIERREZ

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with