^

PSN Showbiz

Sharon very down to earth sa natsuging contestant ng BL

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Marami palang nanonood sa The Biggest Loser hosted by Sharon Cuneta sa ABS-CBN. Updated sila kung sinong natsugi the other night.

Si JM na 30 lbs ang nawalang timbang sa paglabas sa kampo.

 Ano kayang nararamdaman ni JM ngayong pinalayas siya sa BL Camp?

How was your experience staying at the BL camp?

“It was the best! My most unforgettable experience. Masaya na mahirap (physical),” say niya.

May pinagsisisihan ba siya sa naging karanasan niya?

“Wala po.”

 Ano ang pinakamasayang moment mo sa BL camp?

“Nung nanalo kami sa Kayaking challenge at na-receive ko ‘yung letter from my family,” sagot niya.

Ano naman ang pinakamahirap na napagdaanan mo?

“Emotional challenges, physical activities.”

Ano/Sino ang na-miss mo noong pumasok ka sa camp?

“My family, wife and kids,” na ngayon ay kasama na niya.

Ano/Sino ang mami-miss mo ngayong nakalabas ka sa camp?

“Si Winwin, cameraman, story writer, Ate Sharon at si Papa Derek Ramsay.”

Ano ang balak mo ngayong lumabas ka na sa camp?

“I-continue ang paglo-lose ng weight,” sabi niya.

Name three biggest lessons you learned from the BL experience, kay Sharon?

“From BL experience: 1. Food discipline. 2. Proper diet, check on calorie content 3. Proper exercise.

“From Ate Sharon: 1. Yung sinabi po niya na hindi pa huli ang lahat para kami magpapayat.

“2. Humble and down to earth po siya kaya parang ‘di mo akalaing megastar ‘yung kaharap namin.

“3. kahit sino, mahirap, mayaman puwedeng magbago pa ang kalagayan.

Name three biggest changes in your life now? (It could be attitude, belief, lifestyle, etc.)

 “1. Bahala na attitude, nawala po ‘yun sa akin, we need to have focus and goal in life.

“2. My eating habit. hindi yung laging eat all you can.

“3. Treasure our body, It is the temple of God.”

Ano ang timbang mo noong huling weigh-in?

Sagot ni JM : “310 lbs po.”

Dating 340 lbs ang timbang niya. So ibig sabihin sa maiksing panahon ang bilis niyang nagbawas ng timbang.

Kaya sa mga matataba diyan, ‘wag mawalan ng pag-asa. Kailangan lang talaga ng disiplina para maging maganda ang pangangatawan. Lulusog ka pa.

Teka ito kayang mga contestant na lumalabas sa camp ng BL, gagawin ding artista ng Kapamilya Network na parang tulad sa PBB? Puwede sila sa tatay role ‘di ba? 

vuukle comment

ANO

ATE SHARON

BIGGEST LOSER

CAMP

DEREK RAMSAY

FROM ATE SHARON

KAPAMILYA NETWORK

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with