^

PSN Showbiz

KC hindi masagot kung puwedeng ma-in love kay Sam

- Veronica R. Samio -

Nakaapekto ng malaki sa mga du­malong entertainment press sa presscon ng pelikulang Forever and a Day ng Star Cinema at nagtatampok kina KC Concepcion at Sam Milby ang pangyayaring dalawang oras ito bago nasimulan. By the time na pumasok ng restaurant sa 14th floor ng ABS-CBN sina Sam, KC, Direk Cathy Garcia Molina, Matet de Leon, at Robin Darosa ay na-bore na at tinatamad nang magtanong ang press sa kanila tungkol sa pelikula. Meron ding agad   nagpaalam without knowing the reason kung bakit matagal silang pinapaghintay at sino ang dahilan ng pagkabalam. Sayang dahil habang naghihintay ay pinagkukuwentuhan ng lahat ang kagandahan ng trailer ng movie. Merong kilig at may chemistry ang dalawang bida. Marami ang kabisado na ang isang line na binibigkas ni KC habang tinatanong siya ng character ni Sam kung bakit kailangan niyang umalis at iwan ito.

Isang love story ang Forever and a Day tungkol sa isang couple na ang lalaki always pushes himself to the limit, sa buhay, pag-ibig, career, at kahit na anong bagay na gawin niya. Ito si Eugene, ang character na ginagampananan ni Sam. Si KC naman si Raffy, ang babaeng kahit anong pagpipigil ay umibig sa kanya.

Fourth film na ito ni Direk Cathy kay Sam kaya alam na niya kung ano ang aasahan niya sa Fil-Am actor pero nasorpresa pa rin siya.

“Dito sa Forever and a Day ko siya minahal. He gave more than what he could. He was wonderful, ang galing niya sa movie. Kung dati si John Lloyd (Cruz) lang, ngayon mahal ko na rin si Sam,” sabi ng direktora.

Revelation din sa kanya si Mega daughter na sinunod ang hiling niya to trust her. KC did, kahit na sa mga eksena na halos hindi nito magawa sa takot. Pero kahit nag-iiyak na ito ay nagawa pa rin ang mga hinihiling ng kanyang role.

Sinabi ni KC na malaki ang nagawa ng friendship nila ni Sam para magampanan nila ang role. Ang tanong na kung puwede siyang ma-in love sa co-actor ay ayaw niyang sagutin habang siya ay nasa isang relasyon kay Piolo (Pascual, her boyfriend).

* * *

Habang ang ibang mga babaeng artista na may ka-love team ay halos magpakamatay kapag nagkakaroon na ng romansa sa iba ang mga ka-partner nila, si Erich Gonzales ay parang tuwang-tuwa pa na alam niya kung sino ang babae na nagpapasaya sa kanyang on screen partner na si Enchong Dee. Pero like a true ka-love team, hindi niya ito ipinagsasabi at hindi nati-threaten ang kanilang samahan.

If it’s Julia Montes na katulad ng napapabalita, neither Enchong nor Erich would confirm. Itinatanggi nga ito pareho nina Enchong at Julia sabay sabing ang sinasabi ng lahat na dalawang buwan nilang relasyon ay bilang ng araw simula nang matapos ang pinagsamahan nilang programa sa telebisyon, ang Shout Out.

“I’m like a big brother na very protective sa kanya (Julia) pero nothing more than friendship,” paliwanag ng aktor.

“Career muna ang focus ko, saka na ang love. Ayaw kong ma-distract,” reaksiyon naman ng gumanap na Mara sa katatapos lang na matagumpay na serye.

* * *

Dahil sa laki ng crush niya kay Julie Ann San Jose, hindi na naisip ni Joshua Dionisio na maaa­ring maapektuhan ang love team nila ni Barbie For­teza sa pagbubulgar niya ng kanyang damdamin sa ka-love team naman ni Elmo Magalona. And true enough, nagselos si Barbie nang malaman ito. Kung kailan pa naman umamin na ang dalawa na meron nang namumuong damdamin sa pagitan nila ng higit pa sa pagiging magkapareha on screen at saka pa yata ito mabubulilyaso dahilan lamang sa ginawa ni Joshua. Tampulan ng tukso si Joshua sa set ng Tween Hearts the Movie at kahit nakikitawa si Barbie, kitang-kita mo ang pagseselos niya, lalo na nang malaman niyang nanghihingi pa ng kiss kay Julie Ann si Joshua.

vuukle comment

BARBIE

BARBIE FOR

CATHY GARCIA MOLINA

DIREK CATHY

ELMO MAGALONA

ENCHONG

ENCHONG DEE

JULIE ANN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with