^

PSN Showbiz

Asawa ni Dawn namakyaw ng ticket kay Pops!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Hindi lang pala basta magaling na designer si Kate Torralba. Magaling din siyang kumanta at mag-piano.

Kaya ngayon, aasikasuhin niya ang isa pa niyang hilig. Ang kumanta nga.

Si Ms. Girlie Rodis ang malamang mag-handle ng kanyang singing career. Lay low muna si Ms. Kate sa kanyang pagiging sikat na fashion designer kung saan siya unang nakilala.

Hindi ko narinig, pero ang ganda-ganda raw ng sinulat nitong kanta na ipinarinig kay Ms. GR.

Nag-uusap pa sila at pina-finalize ang lahat nina GR at Ms. Kate. May sariling fashion brand si Ms. Kate at nakilala ang mga gawa niyang damit dahil sa kakaibang look na talagang titingnan mo.

Pero ngayon ay made to order muna ang mga creations niya kaya may time siya para sa pagkanta.

*    *    *

Super successful pala ang concert ni AiAi delas Alas na si Ms. Pops Fernandez ang isa sa mga producer.

Laugh trip daw talaga ang mga sosyal na crowd sa isang sosyal na venue rin sa Makati.

At isa raw sa nabentahan ng maraming ticket ni Pops ay ang asawa ni Dawn Zulueta na si Cong. Anton Lagdameo.

Yup minsan daw kasi ay nakita ni Pops ang poging congressman ng Davao at ayun hindi ito nakatanggi nang alukin ng bagong concert produ. Thirty tickets daw ang kinuha nito para sa kanya at mga kaibigan na kapwa mambabatas na hindi alam ng source kung sino ang nagbayad. Basta ang alam ng source, hindi lang kanya (Cong. Anton) ang nasabing tickets kundi para sa kapwa niya congressman.

Hindi din alam ng source kung nanood si Cong. Lagdameo or kung ipina­migay niya ang mga ticket.

Three thousand five hundred ang presyo ng bawat isang ticket kaya sa asawa pa lang ni Dawn or kung ibinigay niya sa kapwa niya congressman, more than 100 thousand na ang kinita ni Pops.

At least hindi man aktibo si Pops sa kanyang career, pagpo-produce naman pala ng concert ang kanyang pinagkaabalahan.

Teka hindi kaya napasubo lang si Cong. kay Pops?

Malamang. Nahiya na lang siguro si Cong. kaya namakyaw ito ng ticket para sa concert ni AiAi.

vuukle comment

ANTON

ANTON LAGDAMEO

DAWN ZULUETA

KATE TORRALBA

MS. GIRLIE RODIS

MS. KATE

MS. POPS FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with