^

PSN Showbiz

Jennylyn ang bilis magpalit!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ang bilis namang napalitan ni Jennylyn Mercado si Dennis Trillo. Kahit anong pagtanggi ang gawin niya at sabihing magkaibigan lang sila ng anak ni gobernadora Vilma Santos, ang pagsama-sama niya lang, lalo na nang umuwi ito ng Batangas para sa kanyang birthday ay ’di gawain ng mag-BFF lang.

Surely, mayroon nang namamagitan sa kanila na more than friendship. Kaya naman pala nababalita sila, at panay pa ang pagtanggi ni Luis nung una at may sinasabi pang non-showbiz girl, ’yun pala totoo ang tsismis!

Hay naku, totopakin ako sa inyo!

Mikael nasa mabuting kamay

Aba at mukhang kaibig-ibig nga si Mikael Daez. Mukhang kaiinlaban siya ng mga kababaihan at maging ng kabaklaan.

Masuwerte ang baguhang ito dahil love interest na siya ni Marian Rivera sa Amaya at maging sa Temptation Island ng Regal Entertainment, Inc. Aba, malalaking proyekto ito na dapat niyang samantalahin dahil bibihirang malasap ito ng mga baguhang katulad niya.

Excited si Mikael sa bago niyang trabaho. Inamin niyang nung bata-bata pa siya ay basketball ang gusto niya. Pinangarap pa nga niyang makabilang sa NBA. Medyo humupa lang ito nung mag-college siya.

Bilang isa sa mga bida sa Amaya, he knows he has to contend with being a newcomer. Also the fact na magagaling ang mga kasama niya, Sid Lucero for one. Kay Marian wala na siyang problema, okay siya rito at kaibigan naman niya ang boyfriend nito na kapwa niya Atenista. Hindi pa siya nakapagti-taping kaya hindi pa sila nagkakasama sa trabaho pero marami ang nagsabi sa kanya na okay sila. He’s in good company. And GMA 7 feels na nakatuklas sila ng isang magiging mahusay na artista at isang potensiyal na heartthrob sa kanya.

PGT judges nagiging mabait

Feel ko dapat konting higpit at istrikto ang mga judges sa Pilipinas Got Talent. Mabuti na lamang at okay naman ’yung mga napipili n’yong grand finalist kahit sa palagay ko ay mas marami pa ang deserving kung hindi lamang nila pinaiiral ang kanilang emosyon. Hindi naman nila kailangang maging mapang-insulto pero kailangan ng maraming sumasali na makatikim ng ilang mga home truths.

 Like marami ang matalentong Pinoy pero hindi lahat puwedeng pang-kompetisyon. Wala na munang awa-awa Ms. Kris Aquino, at Ms. AiAi delas Alas, iwan n’yo na sa labas ang awa. Tuloy nasasama sa inyo si Mr. Freddie M. Garcia na parang nahihiya pang kontrahin kayo.

vuukle comment

AMAYA

DENNIS TRILLO

FREDDIE M

JENNYLYN MERCADO

KAY MARIAN

KRIS AQUINO

MARIAN RIVERA

MIKAEL

MIKAEL DAEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with