^

PSN Showbiz

Kahit anong anggulo pa, DJ Mo maling-mali!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Bakit nga naman pagagalitan pa si Rich Asuncion ng kanyang tiyahing madre dahil lamang nag-pose siya ng sexy sa isang men’s magazine eh sumali na siya sa Binibining Pilipinas na live pa siyang napanood na rumarampa nang naka-bikini rin? Ano ba naman ang kaibahan ng dalawa?

Oo nga naman. Ngayong may tinatakbong bagong landas ang career ng former beauty queen, ang pagpapaseksi ang isa lamang sa mga pagbabagong kanyang haharapin para maging isang effective na kontrabida. Paano tatalunin ng isang kontrabida ang bida kung sa looks pa lamang ay talo na siya?

Kaya lahat ng kontrabida ay kailangang may gandang angkin din o sing-ganda ng bida! And Rich is in the right track. Kailangan na lamang ay hasain niya ang kanyang acting para makaa­gapay din siya sa bida.

*   *   *

Okay din sa akin ’yung pagtanggi ni Toni Gonzaga na humarap at magpa-interview sa press when she was not in her best. Puwera na lamang siguro kung may appointment ang mga mag-i-interview, wala siyang choice kundi ang harapin sila. Pero kung hindi naman, may karapatan siyang tumanggi.

Dapat ang artista ay palaging maganda dahil artista sila. Kung feel nila na pangit sila at a certain time, puwede naman silang hindi humarap at sana maintindihan natin sila.

*   *   *

’Yung naging pangyayari naman kina Mo Twis­ter at Rhian Ramos, gusto kong sisihin ang una dahil totoo namang sinira niya ang imahe ng babaeng sinasabi niyang mahal.

Kahit paano mo pa piliin ang pinakamagagandang words, hindi nito mapapaganda ang mga itinuwit mo about Rhian.

Now, they’re calling you a kiss and tell guy but that’s what you are, base sa mga pinagsasabi mo sa iyong Twitter account na nabasa at nalaman ng lahat. Next time, Mo, keep your galit to yourself. Talagang nasa huli ang pagsisisi.

*   *   *

Agree naman ako kung totoong gusto nang makipag-ayos ni Mayor Patrick Meneses sa kanyang ex na si Aiko Melendez. Hindi ba ito rin ang unang suhestiyon ni Vice Gov. Daniel Fernando? Kinailangan pa ng abogaduhan for you to see the light?

Pati ’yung illegal na pagpapa-ban kay Aiko sa buong Bulacan, kino-consider na rin dahil talaga namang unfair ito sa aktres na ang trabaho ay nagdadala sa kanya sa maraming lugar. Paano kung mag-shoot at mag-tape siya sa Bulacan, hindi siya papayagan?

Tama, mag-ayus-ayos na lang kayo. Masama ang may inaalagaan kayong sama ng loob, hindi ’yan maganda sa panahong ito na hindi na maganda ang lagay ng mundo. Mag-unite na lang kayo para kung anuman ang mangyari, magkakasama, at magkakatulong nating haharapin ito.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

BINIBINING PILIPINAS

BULACAN

DANIEL FERNANDO

KUNG

MAYOR PATRICK MENESES

MO TWIS

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with