^

PSN Showbiz

Cristine nababaitan kay Dennis, 'di nakatikim ng pananakit

- Veronica R. Samio -

Kahit hindi na sila ni Dennis Trillo and kahit for a while ay nagkaroon din ng sigalot sa pagitan nila ni Cristine Reyes, nakuha pang ipagtanggol ng aktres ang kanyang ex sa mga pagtatanong na baka siya rin ay naging biktima ng karahasan umano ni Dennis nung sila pang dalawa.

Ito kasi ang sinasabing dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jennylyn Mercado. At bagama’t wala pang kumpirmasyon dito ang aktres na nangakong magsasalita sa tamang panahon, may mga lumalabas nang paunti-unti na tungkol sa diumano’y pagiging mainitin ng ulo ni Dennis at madalas itong magselos na siyang nagiging dahilan ng kanilang pag-aaway.

“Naku, wala po namang ganung eksena sa amin. Mabait po si Dennis, never niya akong sinaktan. Maski na ang dulo ng a­king mga daliri. Sa amin, naging totoo lang ’yung kasabihang absence does not always makes the heart ponder, it also makes the heart forget. “Distansiya po ang naging dahilan ng aming paghihiwalay. Hindi namin kinaya ’yung pangyayaring nasa magkaibang istasyon na kami. Mahirap nang magkita dahil pareho na kaming busy. Pero okay na kami ngayon,” sabi ng magandang aktres sa grand presscon ng Tumbok na kanyang pinagbibidahan kasama sina Carlo Aquino at Ryan Eigenmann.

Pareho siyang may love scene sa dalawa, si Carlo dahil mag-asawa sila, at si Ryan na nangangalaga ng bahay na kanilang minana. At kung ikukumpara ito sa mga love scenes niya sa Kristine with Zanjoe Marudo at Rayver Cruz, maituturing niya na mas intense ’yung ginawa niya sa TV.

“Dahil love story naman ’yung Kristine eh. ’Yung Tumbok ay horror. Intended ito na manakot at hindi magpakilig ng mga manonood,” dagdag na impormas­yon niya.

Pero kasing intense man ang mga love scenes niya sa Tumbok ng mga ginawa niya in the past, sinisiguro ni Cristine na hindi magiging dahilan ’yun para magselos si Rayver.

“Trabaho ’yun at pagdating sa trabaho propesyonal siya, hindi nakikialam. Wala siyang ibinibigay na limitasyon, walang ipinagbabawal. Tiwala na lamang at respeto ang ibinibigay namin sa isa’t isa,” hirit pa niya.

Palabas na ang Tumbok sa Mayo 4. Lahat ng nasa cast ay nagsasabing pinaka-nakakatakot ito na pelikulang ginawa ni Topel Lee.

* * *

Ang ganda naman at talagang nakakaiyak ang Tsinelas episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) nung Sabado ng gabi. Nakakaiyak hindi dahil namatay si AJ Perez bago pa ipinalabas ang kanyang episode although nakadagdag ang aksidente niya at pagkamatay sa kalungkutan na aking nadama habang pinanonood ko ang MMK. Nakapanghihinayang ang maagang pagkawala niya. Marunong pa naman siyang umarte.

Nakakaiyak ang nasabing episode tungkol sa isang magkapatid na ulila na kinailangang umuwi ng Catbalogan, Samar para magsimula ng kanilang buhay dahil sa lungsod ay wala silang nakikitang pag-asa.

Nilakad ng magkapatid na AJ at Bugoy Cariño ang daan pauwi ng kanilang probinsya dahil wala silang pera at ni pagkain nga ay wala sila. Nakikikain lamang sila paminsan-minsan dahil sa pamamalimos ng character na ginagampanan ni Bugoy at minsan ay kinailangang magnakaw ni AJ para may makain ang kapatid na may sakit.     

vuukle comment

BUGOY CARI

CARLO AQUINO

CRISTINE REYES

DAHIL

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

KRISTINE

NIYA

TUMBOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with