^

PSN Showbiz

7 weeks na, Regine hirap na hirap sa ipinagbubuntis

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Seven weeks old na ang sanggol na ipinagbubun­tis ni Regine Velasquez at kahapon, siya mismo ang nag-confirm ng good news sa Party Pilipinas.

Inamin ni Regine na nahihirapan siya sa kanyang pagbubuntis at malakas ang feeling niya na baby boy ang magiging panganay nila ni Ogie Alcasid.

Pansamantalang nag-goodbye si Regine sa show­biz dahil mas mahalaga na tutukan niya ang pagbubuntis. Ang say nga ng kanyang mister, hindi na sila mga bagets kaya dobleng pag-iingat ang dapat gawin ng misis niya.

Nabanggit ni Regine sa Party Pilipinas na tumaba na siya dahil sa kanyang pagbubuntis. Hindi nag-iisa si Regine dahil napansin ko na healthy din ngayon si Ogie.

Obvious na happy si Ogie sa buhay niya ngayon kaya lumulusog din siya. Halatang-halata sa mukha ni Ogie ang happiness at contentment na nararamdaman sa piling ni Regine.

* * *

Napapanood ko sa TV si AJ Perez pero hindi ko siya personal na kilala o nakikita. Nalungkot ako nang mabalitaan ko kahapon na namatay ang bagets sa edad na 18 dahil sa isang aksidente na nangyari noong Sabado ng gabi.

Pauwi na ako ng bahay mula sa Vera-Perez Gardens noong Sabado at ang radio program ni Ambet Nabus ang pinakikinggan ko sa loob ng sasakyan.

Narinig ko na si AJ ang iniinterbyu ni Ambet via phone patch. Tuwang-tuwa si AJ dahil second time niya sa Dagupan City at hindi niya ini-expect ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao. Parang hari raw ang treatment sa kanya at malaki ang naitulong ng paglabas niya noon sa Sabel ng ABS-CBN.

Ang kuwento ni AJ, nasa Dagupan siya at ang ibang mga artista para sa Bangus Festival. Nagbiro pa nga si Ambet na pasalubungan siya ni AJ ng mga bangus.

Masiglang-masigla ang boses ni AJ habang iniinterbyu ni Ambet. Walang mag-aakala na ’yon na pala ang mga huling sandali ng kanyang buhay.

* * *

Missing in action kahapon sa Showbiz Central sina John Lapus at Rufa Mae Quinto dahil nasa shooting sila ng Temptation Island sa Laoag, Ilocos Norte.

Kailangang i-sacrifice ng dalawa ang paglabas nila sa Showbiz Central dahil may playdate na hinahabol ang mga produ ng pelikula.

Si Mikael Daez ang ipinalit kay Paulo Avelino dahil bigla itong nagkasakit. Ang Temptation Island ang unang pelikula ni Mikael na hindi rin makakaapir sa presscon ng World Premiere dahil nasa malayong lugar siya.

Ang World Premiere ang TV show nina Mikael at Lia Ramos para sa GMA News TV. Tungkol sa mga international film festivals ang World Premiere.

* * *

Parang may kilig sa boses ni Rufa Mae Quinto kapag itinutukso siya kay Fabio Ide. Walang masama kung mauwi sa totoong relasyon ang panunukso kina Rufa Mae at Fabio dahil parehong single ang dalawa.

Hiwalay na si Fabio sa kanyang girlfriend na si Lia Ramos at hindi na matutuloy ang wedding plans ni Rufa Mae at ng kanyang mystery dyowa na si Mr. M dahil break na sila.

vuukle comment

AMBET

DAHIL

LIA RAMOS

OGIE

PARTY PILIPINAS

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

SHOWBIZ CENTRAL

SIYA

WORLD PREMIERE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with