^

PSN Showbiz

Charlene walang planong sundan si Aga

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ayaw mag-comment ni Aga Muhlach sa latest controversy na kinasasangkutan ng kaibigan niyang si Willie Revillame kahit napanood niya ang video ng batang si Jan-Jan Suan.

“Mahirap pasukin at magsalita tungkol diyan, u­nang-una, kung merong dapat sumagot, dapat si Willie and I think inaayos na rin ng TV5 ang isyu. Hindi ako nagmo-monitor, I just wish him well at maaayos ito. Minsan ganun talaga, you can’t please everyone. Pabayaan na natin ang CHR, I’m not in a position to comment, wala akong karapatan, wala ako roon,” sabi ni Aga.

Sa pagpirma niya ng three-year non-exclusive contract sa TV5, tinatanong si Aga kung susunod sa kanyang lumipat ang asawang si Charlene Gonzales, pero sabi nito walang plano dahil masaya naman sa The Buzz si Charlene.

Ayaw pa ring magbigay ng details ni Aga sa mga show na gagawin niya sa TV5 at baka malaman daw ng ibang network. Nag-smile lang ang actor sa narinig na kaya binili ni Manny V. Pangilinan ang Sun Cellular dahil sa kanya.

“I like the vision of TV5 to come up with a good show first and not talk about ratings,” sagot ni Aga sa rason sa kanyang paglipat sa istasyon.

Nagpaabot ng pakikiramay sina Ogie Alcasid at Gary Valenciano sa pamilya ng OFW’s na binitay sa China. Sabi pa nga ni Gary, “My heart goes to those three people, my heart goes to the family they left behind and it saddened me to know one of them was still hopeful up to the last time.”

Sina Ogie at Gary ang dalawa sa nangunguna sa concert na BaliKaBayani para sa mga OFW’s na bumalik ng bansa para hindi na umalis at madis­grasya sa ibang bansa. Silang dalawa rin ang director ng concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa April 14 at si Paolo Valenciano naman ang in-charge sa video presentation.

Kabilang si Lea Salonga sa magpi-perform sa concert at ang hindi makakarating ng live ay kukunan ng video.

Natutuwa si Ogie na pumayag ang performers sa P5,000 honorarium at baka nga ang iba’y hindi pa tumanggap. Two to three hours ang concert at ang pera na maiipon ay ilalagak sa COA.       

Katulong ng OPM sa project na ito ang Edsa People Power Commission, DOLE, OWWA, POEA, at major sponsor ang Puregold.

Tutulong din ang nabanggit na government agencies sa pagbenta ng tiket na mula P5,000, P1,000, P500, P400, P100 at P50.

First project ito ng mga taga-showbiz katulong ang government at different agencies para sa OFW’s.

Ang plano’y OPM songs ang kantahin sa buong concert.

enzo pinagsasabay sina Louise at Sarah

Nalilito si Walden Belen dahil nakita niya nang sunduin ni Louise delos Reyes si Enzo Pineda sa birthday dinner ni Dinno Erece para sabay na silang pumunta sa post-birthday party ni Rocco Nacino sa Republique sa Resorts World.

Nalilito si Walden dahil kinabukasan, nakita niya sina Enzo at Sarah Lahbati na sabay nanood ng Catch Me…I’m In Love sa Greenhills at sweet daw ang dalawa.

Medyo magkadikit pa raw ang mga ulo nina Enzo at Sarah, kaya ang tanong ni Walden, sino ba talaga ang love ni Enzo?

Ang alam namin sa ngayon, si Louise na ang special girl kay Enzo dahil dinadalaw at dinadalhan ng food sa taping ng Alakdana. Pati sa Twitter, sweet-sweetan ang dalawa at nang magkasakit, binati lang ng aktres, ayos na raw siya.

Pero totoo bang bawal nang dumalaw sa taping ng Alakdana si Enzo dahil hindi makapag-concentrate si Louise ‘pag nasa set siya?

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALAKDANA

ARANETA COLISEUM

CATCH ME

CHARLENE GONZALES

DINNO ERECE

ENZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with