^

PSN Showbiz

Gabby walang planong layasan ang showbiz

- Veronica R. Samio -

Ilulunsad ng TV5 to full stardom via Mga Nagbabagang Bulaklak si Arci Muñoz, isang dramaserye tungkol sa ins and outs of showbiz. Tungkol din ito sa mga showbiz people - artista, singer, producer, director, at iba pang technical people. Makikita rin dito ang mga movie writers. But more than all these character na nagbibigay buhay sa mundo ng entertainment, ang ikalawang dramaserye ng Singko ay focused sa dance, sa magkapatid na Dahlia (Arci Muñoz) at Daisy (Ritz Azul) na nakulong sa kum­plikadong mundo ng showbiz sa pagnanais nilang maging matagumpay na dancers.

Gumaganap bilang ina nila si Sheryl Cruz na katulad ni Arci ay kabilang din sa roster ng mga Kapuso talents na nasa bakuran ngayon ng TV5. 

Nasa cast din ng serye si Richard Gomez bilang si Apollo Ortega aka Mr. A, production at creative head ng ETVN Network at asawa ni Orchidia Ortega o Mrs. O (Ruffa Gutierrez). Star ng kanilang network si Violet (Valerie Concepcion) na napaka-insecure sa kanyang posisyon.

 ‘Di tulad ni Arci na kontratado na ng TV5, mayroon pa ring trabaho sa ABS-CBN si Valerie kaya hindi pa siya kumpletong isang Kapatid. Baka sa ibang araw.

Si Ritz naman, tulad ni Gabo, na first time ring lalabas sa serye ay mga finalist sa pakontes na Star Factor. Both Arci and Ritz are in their teens. Mukhang may ibubuga sa pagiging artista si Ritz. Sa press presentation ng kanilang serye ay umagaw ito ng pansin dahil sa kanyang kagandahan at kaseksihang sumayaw. Kinabog niya ang tatlo ni­yang ka­samahang bida na sina Arci, Valerie, at Carla Humphries. Ganundin si Sheryl na muling inilabas ang kanyang talent sa pagsasayaw.

Isa sa kumanta ng theme song ng serye ay nakalimutan ko ang name pero ay napaka-sexy din, anak daw ng mag-asawang Jun Soler at Raquel Montesa at nakababatang kapatid nina Bryan at Simon Soler, mga nag-That’s Entertainment. 

Si Phillip Salvador ang gumaganap ng role ni Mr. D, may-ari ng ETVN.

Magsisimula na sa Marso 21 ang dramaserye na ito na idinidirek ni Jon Red.

*   *   *

Itinanggi ni Gabby Concepcion na magko-quit na siya ng showbiz. Marami ang nakaka-miss sa kanya. Kung noon ay magkakasunod ang project niya, ngayon bigla siyang disappear sa eksena. ‘Yun pala pumunta siya ng US at nagbakasyon. Now that he’s back, sumabak agad siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Hindi mo naman siya masisi kong namimili na siya ngayon ng projects. He has been in the business for so long. Gusto niyang gawin lang ay ‘yung worth his while. “I owe it to my audience,” ang paliwanag niya.

Tungkol naman sa relasyon ng anak niyang si KC Concepcion at Piolo Pascual na inamin ng dalawa nung nasa US siya, sinabi ng veteran actor na : “Basta masaya lang silang dalawa, okay na sa akin. I’m sure it will work out.”

*   *   *

Ano kaya ang ireregalo ni Gerald Anderson sa kanyang ka-loveteam na si Kim Chiu ngayong malapit nang matapos ang ipinatatayo nitong dream house. Nung si Gerald ang nagpatayo ng bahay ay binigyan siya ni Kim ng isang refrigerator. Ngayong si Kim naman ang nakatakdang magpa-bless ng house, siyempre excited ang lahat na malaman kung ano ang ibibigay sa kanya ng aktor. 

*   *   *

Sana, ipagpatuloy natin ang pagdarasal para hindi tayo matulad sa mara­ming bansa na dinaratnan ng mga kalamidad. Sa kabila ng pagkakasama natin sa mga bansa na nasa “ring of fire” na puntahin ng lindol at tsunami at sinasabugan ng bulkan, hindi kasing grabe ng mga naganap na kalamidad sa   ibang bansa ang mga bagyo, landslide, sunog, pagsabog ng bulkan ang naranasan natin.

Isama rin natin sa ating pagdarasal ang mabilis na healing process para sa mga naiwan ng mga nabiktima.   

vuukle comment

APOLLO ORTEGA

ARCI

ARCI MU

BOTH ARCI AND RITZ

CARLA HUMPHRIES

GABBY CONCEPCION

GERALD ANDERSON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with