^

PSN Showbiz

Marian hindi sinipot si Bong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi dumating si Marian Rivera sa storycon ng Panday 2, entry ng Imus Productions at GMA Films sa 2011 Metro Manila Film Festival. Under negotiation pa ang pagiging isa nito sa three leading ladies ni Sen. Bong Revilla. Si Rhian Ramos ang naunang dumating at humabol si Iza Calzado.

This Sunday na ang simula ng taping ni Marian ng Amaya at sa Subic ang location ni direk Mac Alejandre. Sa March 20 naman ang target first shooting day ng Panday 2 na kung matutuloy ang sinabi ni Bong, gagawin niyang in 3D form.

* * *

Mag-iiba ang ayos ni Regine Velasquez sa mga susunod na episode ng I Heart You Pare dahil gagawin siyang lalake ni Dingdong Dantes. Mas mabilis kay Songbird ang mag-ayos lalake kesa mag-ayos ng drag performer dahil nilagyan lang siya ng short wig, kinapalan ang eye brows at naglagay ng bigote, mukhang lalake na.

Sayang at nakalimutan naming itanong kay direk Andoy Ranay kung totoong pinag-usapang i-guest sina Ogie Alcasid, Marian Rivera at ibang Kapuso stars sa mas umiigting at mas sumasayang istorya ng rom-com series.

Samantala, nagpahayag ng lungkot si Regine sa pagre-resign ni Rico Gutierrez as one of the two directors ng Party Pilipinas. Sabi nito: “Hindi ko alam na nag-resign siya dahil absent ako that Sunday. Sayang naman, the show needs him and he’s doing great job. Maganda ang team-up nila ni Mark Reyes dahil may two weeks sila to prepare at every Sunday, ibang show ang napapanood. I’m a little disappointed na he’s not doing the show anymore.”

* * *

Depende raw sa manager niyang si Annabelle Rama ang pagpapa-sexy ni James Blanco, pero kaya niyang magpakita ng puwet at mga eksenang naka-underwear siya. “I’m always ready” ang sabi nito.

Nakarating na kay James ang tsismis na may gay benefactor siya at rason ng kanyang pagyaman na itinanggi nito. Kung totoo raw ang tsismis, ang misis niya ang unang magre-react. “Nagtatrabaho ako para sa pamilya ko,” sabi ni James.

Dahil kay Annabelle, nasama si James sa Mga Nagbabagang Bulaklak sa role ni Eros na assistant director na magdidiskubre kay Arci Mu?oz. Dahil din sa manager, magkakaroon ng twist at spice ang kanyang role.

* * *

Nakausap namin si direk Mark Reyes bago sila mag-meeting ni Atty. Annette Gozon-Abrogar at ibang staff ng GMA Films para sa movie ng cast ng Tween Hearts na sisimulan pagbalik ni Ms. Annette from her cruise.

Si direk Mark muna ang hahawak ng Party Pilipinas hanggang makahanap ng GMA 7 nang makaka-alternate niya. Tinanong namin si direk Mark kung gagamitin pa rin niya ang artists na kinuha ni direk Rico Gutierrez at “I’m open” ang sagot, pero wala ng musicale dahil idea ito ni Rico. Ang alam din ni direk Mark, pareho ang talent fee ng team niya at team ni direk Rico sa Party Pilipinas.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANNABELLE RAMA

ANNETTE GOZON-ABROGAR

ARCI MU

BONG REVILLA

DIREK

MARIAN RIVERA

MARK REYES

PARTY PILIPINAS

RICO GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with