^

PSN Showbiz

Show ni RR inilagay sa primetime

-

MANILA, Philippines - Hanggang bukas na lang ang Love ni Mister Love ni Misis hosted by Carmina Villarroel at Zoren Legaspi pero ngayong Huwebes alas-diyes ng umaga tampok ang beauty guru at salon czar na si Mader Ricky Reyes.

Di lang fashion at hair style ang tatalakayin nina Mina, Zoren at Mader Ricky. Magbibigay din sila ng tips sa mga bigatin o overweight na babae kung paano sila liliit para makahanap ng pag-ibig, mga ehersisyong dapat sabakan, pagdidiyeta sa pagkain at pagpili ng kulay, material at tabas ng damit na dapat isuot para di maging obvious ang kalakihan ng katawan.

Samantala, kung na-miss ninyo ang programa ni Mader sa QTV-11 na Life and Style with Gandang Ricky Reyes, eto ang magandang balita. Ang nasabing show ay eere na sa same station tuwing Sabado alas-onse ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali simula Marso 5.

Bagong araw, bagong oras at siyempre pa, maraming bagong topic at panoorin ang ihahandog sa inyo ng LSWGRR. “Nagpapasalamat kami sa QTV-11 sa pagbibigay-tiwala sa amin. Primetime na kami. At siyempre, tutumbasan namin ng pagsisikap na maaliw ang manonood ang tiwalang ’yon ng ating network,” sabi ni Ma­der RR.

CARMINA VILLARROEL

GANDANG RICKY REYES

HANGGANG

HUWEBES

LIFE AND STYLE

MADER

MADER RICKY

MISTER LOVE

RICKY REYES

ZOREN LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with