^

PSN Showbiz

Mark wala pa ring mapiling babae

RATED A - Aster Amoyo -

Although matagal na ang relasyon nina Ogie Alcasid at Regine Valesquez, naging opisyal lamang ang kanilang pagiging mag-asawa nang sila ay ikasal nung nakaraang Dec. 22, 2010. Nga­yong official na ang pagiging Mrs. Ogie Alcasid ng Asia’s Songbird, dapat lang na i-prio­ritize na nila ang pagkakaroon ng anak lalupa’t magpu-forty one na si Regine.

Hindi pa man nagbubuntis si Regine, meron na silang nakahandang pangalan sa magiging baby nila kung saka-sakali, Herminio III kapag boy at Regina naman kung girl. Ang parents ni Ogie ay parehong Herminio at Herminia at Herminio II naman si Ogie. Ito’y ibinalita ng top singer-composer at TV host-comedian sa one-on-one interview na inayos ng Royale Artists Management na pinamumunuan ni Annabelle Rama para sa nalalapit na Valentine dinner-concert na produced nito.

Pinamagatang I Valentine U, tatampukan nina Ogie at Pops Fernandez ang Feb.12 (Saturday) concert at gaganapin sa Crowne Plaza Hotel Grand Ballroom sa ganap na ika-7 ng gabi kung saan si Regine ang special guest. Makakasama sina Bea Tantoco, Solenn Heussaff, iCandy, Ehra Madrigal, Bubbles Paraiso, Carla Humphries, Arci Muñoz, Michelle Madrigal, at G-Force. Si Ryan Cayabyab ang musical director habang si Al Quinn naman ang stage director. Si Ogie ay isa sa mga paboritong singers ni Annabelle at si Pops naman ay isa sa kanyang mga bagong alaga ngayon.

Ayon kay Ogie, reunion sa halip na honeymoon ang ginawa nila sa Bohol after Christmas kasi nagdatingan sa Pilipinas ang ibang mga ka­patid ni Ogie galing sa ibang bansa, duma­ting din ang kanyang ex-wife na si Michelle van Eime­reen kasama ang bago nitong husband na si Mark Murrow at ang kanilang mga anak na sina Leila at Sarah.

Plano ng mag-asawang Ogie at Regine na sa Positano, Italy gawin ang kanilang much-delayed honeymoon sa buwan ng March. Ang lugar ay may tatlong oras ang layo mula Rome.

Just like any other couples, pangarap ng mag-asawang Ogie at Regine na sana’y mabiyayaan din sila ng anak.

Samantala, hindi wino-worry nina Ogie at Pops ang ticket sales ng kanilang Valentine dinner concert dahil si Annabelle nga ang producer. Halos pre-sold na umano ang kanilang tickets bago pa man maibalita ang tungkol dito. Sina Pops at Ogie ay matagal na nagkasama sa bakuran ng OctoArts kung saan sila pareho nagsimula. Maraming beses na rin silang nagkasama sa concert hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

“It is always a pleasure working with Ogie,” say ng ex-wife ni Martin Nievera. “He’s not only a longtime friend but he’s such a good person to work with,” dugtong ng ex-wife ni Martin Nievera.

Speaking of Martin, hindi nito mapapanood ang concert nina Pops at Ogie dahil may hiwalay itong concert with Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum kaya maging ang kanilang mga anak na sina Robin at Ram ay parang hilong talilong kung alin sa dalawang magkahiwalay na concert ng kanilang parents ang kanilang unang pupuntahan o panonoorin.

“It’s up to them,” natatawang pahayag ng original concert queen.

“Hati na lang silang magkapatid para fair,” suggest namin sa original concert queen.

*    *    *

Gaano kaya katotoo ang balita na panay umano ang text ngayon ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang ex-girlfriend na si Shalani Soledad pero dedma umano ang huli? Kung ito’y totoo, isa lamang itong senyales na nakapag-move on na ang co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie lalo’t pursigido umano ang ex-husband nina Princess Punzalan at Liz Almoro na ma-win ang ex-GF ni P-Noy.

*    *    *

Dream come true para kay Dennis Trillo ang pagtatambal nila ni Heart Evangelista sa bagong fantaserye ng GMA 7, ang Dwarfina dahil matagal na niya itong pangarap na makatrabaho. Kung hindi pa lumipat ng home studio si Heart ay tila malabo itong mangyari. Malabong ma-link sa isa’t isa sina Heart at Dennis dahil pareho na silang “taken.” May Brazilian-Japanese boyfriend na si Heart na si Daniel Matsunaga at may Jennylyn Mercado naman si Dennis.

Absent sa presscon ng Dwarfina ang controversial manager ni Heart na si Annabelle at hindi na namin naitanong kay Heart kung kumusta na sila ng mommy nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez.

 Sa presscon ng Dwarfina, masaya si Mark Bautista na muli siyang nabigyan ng bagong teleserye, his first sa bakuran ng GMA.

Inamin nito na hanggang sa ngayon ay loveless pa rin siya. Hindi naman nawawala ang kanilang communication ng good friend niyang si Sarah Geronimo.

“I go out on dates pero walang special someone,” nakangiting pahayag nito.

Samantala, effective ang pagiging celebrity endorser ni Mark ng Mang Inasal na ang 70% ay nabili na ng Jollibee pero hindi siya sigurado kung siya ang muling kukuning endorser ng sikat na fastfood chain. Pangarap ni Mark na magkaroon ng sarili niyang franchise ng Mang Inasal.

*    *    *

Personal: Bon voyage kay Aila Marie Reyes na muling bumalik ng Japan nung Huwebes, Jan. 6 for her studies.          

vuukle comment

ANNABELLE

CONCERT

DWARFINA

HERMINIO

KUNG

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with