^

PSN Showbiz

Peta model pabor sa 'Puppy Love'

-

MANILA, Philippines - Ang modelong si Cristina Garcia, tampok sa isang bagong patalastas ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia, ay may alam na paraan kung paano alagaan ng tama ang mga aso — kapunin ang mga ito.

Kasama si Rover, isang aso na inabandona sa animal shelter ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), nakikiusap si Garcia sa mga Pilipino na tulungan ang bansa sa pagpapababa ng populasyon ng mga hayop sa pama­magitan ng pagkapon. Ang pagpapakapon ng mga aso at pusa ay nagpapakita ng pagmamahal, at masasabing isa sa pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin sa iyong alagang hayop. Hindi na mabilang ang mga aso at pusa na nasa kalye, at ang hayop na walang tahanan ay mas malapit sa pananakit, pang-aabuso, pagka-gutom, sakit, at maagang kamatayan.

“Kahit na maraming tao ang nag-dadalawang isip na ipakapon ang kanilang mga alaga, ang katotohanan, ang pagpapakapon ay parehong pinakamadali at pinaka-epektibong paraan para mapanatiling masaya at ligtas ang mga hayop,” sabi ng PETA model.

“Isaalang-alang ang kapalaran ng milyun-milyong hayop na walang tahanan at gumagala sa mga kalye sa Pilipinas, sa kadahilanang ang kanilang mga magulang ay hindi pinakapon.”

Ang mga asong hindi nakapon ay mas nangangagat at nagiging dominante at teritoryal o agresibo kaysa sa mga aso na nakapon.

 “Marami sa atin ang nangangarap na maiuwi sa ating mga tahanan ang mga hayop na nasa mga shelter upang makatikim sila ng kaaya-ayang kapaligiran,” sabi naman ni Jason Baker, vice president ng PETA Asia. “Ngunit ang malungkot na katotohanan, hangga’t patuloy na pinapalahi ng mga tao ang kanilang mga aso’t pusa – at patuloy na bibili ang mga tao ng mga hayop sa mga pet stores — maraming hayop ang nahaharap sa maagang kamatayan.”

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang PETAAsiaPacific.com.

vuukle comment

ASO

CRISTINA GARCIA

ETHICAL TREATMENT OF ANIMALS

GARCIA

HAYOP

ISAALANG

JASON BAKER

PHILIPPINE ANIMAL WELFARE SOCIETY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with