^

PSN Showbiz

Direk Albert walang masabi sa pagkatalo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nasulat na sa business column ng isang broad­sheet na kasosyo ng Viva Films ang SM ni Henry Sy sa pre-Valentine movie nina Anne Curtis at Luis Manzano na Who’s That Girl? Noon pa namin alam ang tungkol dito, pero ayaw muna nilang ipasulat na ewan namin kung bakit.

Feb. 2 ang playdate ng movie, hindi makakatapat ng Valentine movie ni Richard Gutierrez na co-produced ng GMA Films at Regal Films na kundi kami nagkakamali, Feb. 9 naman ang showing.

Si Wenn Deramas ang direktor nang nasabing pelikula at kung saan, kasama rin sa cast si Dina Bonnevie na nagbabalik-pelikula rito at si Dino Imperial na Viva Artists Agency talent na pala at wala na sa Star Magic ng ABS-CBN.

* * *

Hiningan namin ng comment si Albert Martinez sa pagkaka-snub sa kanya ng mga jurors ng 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF) na kahit Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang dinirek niyang Rosario, hindi man lang siya na-nominate na best director.

Tama ang argumento ng mga nagre-react na kung Graded A ang movie ibig sabihin, ma­ganda ito at kahit nomination ay nakakuha siya, kaso hindi siya na­­kapasok sa top three nominees. Ang naka­loloka pa, presenter siya ng award bago ang best director category.

Anyway, nag-text kami kay Albert to ask his reaction, pero ang sagot nitong text ay “Haay…Mabuhay ang pelikulang Pilipino” at sa follow-up question namin, “Dunno what to say” ang sagot.

Ang konsuwelo ni Albert, naipanalo niyang best supporting actor si Dolphy na gumanap sa role ni Jesus, anak nina Rosario (Jennylyn Mer­cado) at Alberto (Dennis Trillo) at narrator ng movie. Nanalo rin ang Rosario ng Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award at iba pang technical awards.

* * *

Nagsimula na ang shooting ng trilogy Valentine movie ni Richard Gutierrez na Suddenly It’s Magic, pero may pagbabago sa direktor. Hindi na si Mark Reyes ang director ng episode nina Richard, Solenn Heussaff, at Lovi Poe dahil busy yata si Direk Mark, kaya si Andoy Ranay ang pumalit sa kanya.

Na-tweet ni Direk Andoy ang tungkol dito, na nagsu-shooting sila sa may San Juan area at mukhang sina Richard at Solenn lang ang kinunan kahapon dahil hindi nabanggit si Lovi.

Si Direk Andoy din ang direktor ng I Heart U Pare, kaya bisi-bisihan ang BFF ni Eugene Domingo.

* * *

Pinanood namin habang inaayusan at mini-meykapan si Tirso Cruz III sa taping ng I Heart U Pare. From Cesar, ginawa siyang si Sarsi (mga karakter niya sa series) at lider ng Softdrink beauties. Sa ayos babae, naging kamukha nito ang anak na si Djanin Cruz.

Inaabot ng isang oras ang pag-aayos kay Pip dahil kailangang itago ang kilay at alisin ang unwated hair at kung anik-anik pa. Nilalagyan siya ng fake eyelashes at kailangan ding gumamit ng wig at magsuot ng sapatos na matataas ang takong. Du­sa kung dusa, pero enjoy ang aktor sa taping lalo’t matagal na siyang hindi gumagawa ng comedy.

“Minsan, nadadala ko sa bahay ang karakter ko at ang pagsasalita ko, pinagtatawanan tuloy ako ng mga anak ko at asawa ko (Lyn Ynchausti-Cruz). Medyo mahirap ang role ko dahil demure na ba­ding at kailangang gumamit ng gay lingo noong ’90s. Very challenging ang role ko, lagi kong pinapa-check kay Direk Andoy ang acting ko,” kuwento ni Pip.

Naunang gumanap na bading sa TV sina Ro­bert Arevalo, Bembol Roco, at Ricky Da­vao, pero sabi ni Pip, walang competition sa kanila.

“The more the merrier,” sabi ni Pip.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ANDOY RANAY

ANNE CURTIS

BEMBOL ROCO

DIREK ANDOY

GRADED A

I HEART U PARE

RICHARD GUTIERREZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with