^

PSN Showbiz

Manny Pacquiao over-exposed na!

- SEEN SCENE -

Seen : Si Albert Martinez sa St. Luke’s Medical Center noong Martes. Dinalaw ni Albert ang kanyang nakababatang kapatid na si William Martinez na nagkaroon ng stroke.

Scene : Mali ang report ni MJ Marfori ng TV5 na kuya ni Albert si William. Si Albert ang panganay sa apat na magkakapatid.

Seen : Ang headline kahapon ng Sapul na nagbitiw sa tungkulin si Tourism USec. Ochoa matapos ulanin ng batikos dahil sa Pilipinas Kay Ganda Slogan. Si Vicente Romano ang Tourism USec na nagbitiw sa puwesto, hindi si Executive Secretary Paquito Ochoa.

Scene : Over-exposed sa TV si Congressman Manny Pacquiao kaya mababa ang ratings ng mga TV guesting niya noong Linggo.

Seen : Nakakabilib ang pag-amin ni ABS-CBN newscaster Alex Santos na nahirapan siya na i-pronounce ang isang street sa Paris sa kanyang report kahapon sa Umagang Kay Ganda.

Scene : In ngayon sa mga artista ang perfume business. Bukas ang press launch ng new line of fragrances ni Sharon Cuneta.

Seen : Kasali sina Cesar Montano at Sunshine Cruz sa Puso ng Pasko, ang Christmas reality show ng GMA 7.

Scene : Tuluy na tuloy sa Sabado ang taping ni Charice para sa Christmas special ng GMA 7, ang Home for Christmas.

Seen : Pinipilahan sa mga sinehan ang My Amnesia Girl ang good news ng Star Cinema people. Nagbukas kahapon sa mga sinehan ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Scene : Kulang pa sa emosyon ang inconsistent acting ni Bianca Manalo sa Juanita Banana. Marunong umarte si Bekimon pero hindi ito bagay na maging co-host ng Umagang Kay Ganda.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ALEX SANTOS

BIANCA MANALO

CESAR MONTANO

EXECUTIVE SECRETARY

JOHN LLOYD CRUZ

JUANITA BANANA

MEDICAL CENTER

UMAGANG KAY GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with