^

PSN Showbiz

Masuwerte!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Marami pa rin ang nagugulat kapag nakikita akong dumadalo sa mga presscon, lalo na kapag presscon ng ABS-CBN na kalabang network ng GMA 7 na aking pinaglilingkuran for the longest time. Marami sa kanila ang nakakalimot na nagsusulat din ako at nagmimintina ng isang entertainment column dito sa Pilipino Star NGAYON. ‘Yun nga lang kapag lumalabas ako, sinasamantala ko na rin ang pagkuha ng materyal para sa aking programang Walang Tulugan.

Iniimbita ko kahit na ang mga taga-Kapamilya para mag-guest sa aking programa, mag-promote ng kanilang pelikula. Hindi sa pagmamalaki, marami naman ang nanonood ng Walang Tulugan, bukod pa sa nagna-No.1 ito sa GMA Pinoy TV na napapanood sa maraming bansa sa abroad.

Marami kasi ang hindi pinapayagan ng Dos na lumabas sa mga programa ng Siete dahil nga sa network war pero ako, hindi nawawalan ng pag-asa na kahit paano ay mababawasan ang hidwaang ito ng dalawang network. 

* * *

 Totoo kaya ‘yung nababalitaan ko na mawawala rin sa ere ang Pilipinas Win na Win na isang buwan at kalahati nang hino-host nina Rico Puno, Marco Sison, Rey Valera at Marco Sison? Sayang naman dahil tanggap na sila ng manonood. At nagsisimula nang maging kampante ang apat sa kanilang paghu-host ng show. 

* * *

Masuwerte naman ang stylist ni P-Noy na nali-link sa kanya dahil friend ito ng mga kapatid niya. Agad may pabor na sa kanya sa pamilya. Mahirap kasi ‘yung naging lagay nun ng ex girlfriend ni P-Noy na nasa showbiz na rin ngayon dahil unang-una nang ‘di boto sa kanya si Kris.

Hindi man hayagang tutulan ni Kris ang relasyon ng kanyang kuya, halata namang hindi siya 100% na pabor sa ex nito. ‘Di tulad ngayon na una siyang nagpahayag ng tuwa kung totoo man ang nababalitang relasyon nina P-Noy at Liz Uy dahil kaibigan niya ang dalaga at agad ay wini-welcome niya ito sa kanilang pamilya.

vuukle comment

INIIMBITA

LIZ UY

MARAMI

MARCO SISON

P-NOY

PILIPINAS WIN

PILIPINO STAR

REY VALERA

RICO PUNO

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with