^

PSN Showbiz

Ideya sa isang TV show puwedeng pagkakitaan ng $15,000

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - May konsepto ka ba para sa isang show? Gusto mo bang makita sa TV ang programang matagal ng ume­­ere sa iyong isipan?

Kung ganun sumali na sa SMART Alliance Pitch, isang regional contest na inorganisa ng SMART Allian­ce na kinabibilangan ng ABS-CBN (Philippines), BBTV (Thailand), Media Nusantra Citra (Indonesia), Media Prima (Malaysia) at MediaCorp (Singapore).

Layunin ng contest na mahanap ang pinaka­ma­gan­­dang ideya o konsepto para sa isang TV program sa mga genre tulad ng variety shows, game shows at reality shows.

Ang mga mapipiling finalists ay aanyayahang pumunta sa Singapore para humarap sa mga hurado na kinabibilangan ng mga beterano sa industriya ng media at broadcasting.

Mag-uuwi ng tumataginting na US$15,000 ang mananalong entry at gagawing isang ganap na programa na mapapanood sa alin man sa member networks ng alyansa.

Ang deadline para magpadala ng inyong mga entries ay sa 31 Oct 2010.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa www.Pitch. SMARTAlliancemedia.com

Ang SMART Alliance ay binuo noong Marso 2009 ng anim na broadcasters at bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Layunin nitong gumawa at magdala ng commercial benefits sa mga miyembro nito at magbigay ng natatanging program content sa Southeast Asia.

Barbie naging chaka doll

Magigising si Dindo (Wendell Ramos) at Gigi (Eugene Domingo) sa isang motel, pa­reho silang hubo’t hubad. Akala ni Gigi may nangyari sa kanila kaya ipapaliwa­nag ni Dindo kung anong nangyari sa kanila kinagabihan. Sa sobrang kalasingan ni Gigi, dinala siya ni Dindo sa motel. Hinuburan niya ito sa sobrang pawis habang nag­hubad na rin si Dindo dahil nasukahan ito ni Gigi.

Magkikita si Yasmin at ang kanyang text­mate na walang iba kundi si Lando (Jeffrey San­tos). Sakto namang darating sina Gigi at makikita siya ni Lando. Agad namang isu­sum­bong ni Lando kay Lady Gangsta (Ricky Da­vao) ang na­la­man nito. Pupunta­han agad nina Lady Gangst­a ang bahay ni Gigi at pag­ba­barilin ito. ‘Yun nga lang, wala silang naa­butan.

Napilit ni Gigi si Dindo na magbakasyon muna sila. Gusto kasing mapalapit ni Gigi kay Dindo kaya na­­i­sip niyang umalis muna sa Manila. Mapupunta sila sa isang resthouse. Ang hindi nila alam, may multo sa bahay na napuntahan nila. Tinext ni Lando si Yas­min (Chariz Solomon) kung saan sila pumunta pero ang nasabi lang nito ay sa lugar na malamig at mara­ming puno. Sinubukang sundan nina Lady Gangsta sina Gigi.

Nang mabuko ni Gboy (Buboy Villar) ang plano ng kanyang ina, hindi ito payag. Ayaw nitong mag­ka­roon ng ibang lalake ang ina maliban sa ama nito. Sa kan­­­­yang manika niya sinasabi ang kanyang hinanakit. Sa manika rin pumasok ang espiritu ng multo ng rest­house. Si Barbie (Barbie Forteza) naging si Chaka Doll!

Pagka-alis nila Gigi saka naman ang pagdating nina Lady Gangsta sa resthouse kung saan sasalu­bu­ngin sila ni Chaka Doll na sa totoong buhay ay si Barbie pala!

vuukle comment

ALLIANCE PITCH

CHAKA DOLL

DINDO

GIGI

LADY GANGSTA

LANDO

LEFT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with