Nagba-bonding sa malaking kuwarto
Excited nang humarap sa entertainment press si Sharon Cuneta sa presscon ng Triple Mega Treat kung saan magkakaroon ito ng three new shows — Sharon at Home, Star Power, at The Biggest Loser Pinoy Edition.
Nalibang ang lahat dahil sa mga kuwento ng Megastar bukod pa sa question and answer portion.
At ngayon pa lang, nagpapapayat na si Shawie para sa kanyang mga programa. May nagtanong, hindi kaya magselos si Sen. Kiko Pangilinan kapag sexy na siya?
Sagot ni Megastar : ‘‘Tuwang-tuwa nga ang aking asawa sa paghahanda ko. Never naman siyang nagselos pero ’pag nagpapapayat ako eh nabubuntis naman ako.’’
Sinabi pa ng Megastar na kahit busy silang mag-asawa ay may panahon sila sa pamilya.
Nagba-bonding sila sa isang malaking kuwarto, nagluluto ng pagkain, at sabay-sabay silang magkuwentuhan at kumain. Enjoy silang lahat sa piling ng bagong miyembro ng pamilya — ang anak-anakang baby boy.
* * *
Nagkaroon din ng presscon ang dating Optical Media Board (OMB) chairman at magaling na TV host na si Edu Manzano para sa bagong programang Asar Talo, Lahat Panalo na magsisimula sa Sept. 18, Sabado bago mag-Eat Bulaga.
Edu is turning 55 years old at magandang regalo ang pagbabalik-Kapuso kung saan sinabing hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang game show dahil maganda ang presentation, maganda ang concept, at pinapayagan ng Kapuso na mag-grow pa siya bilang isa siyang multi-talented artist.
Ang bagong game show ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, sa direksiyon ni Bert de Leon sa GMA 7.
- Latest





















