^

PSN Showbiz

Kris dapat nang itikom ang bibig

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Sayang at parang hindi ’yung movie with Aga Muhlach ang magsisilbing last movie ni Regine Velasquez bago siya maging Mrs. Ogie Alcasid sa huling buwan ng taong ito.

Ito ang indie movie na ang title ay Mrs. Recto.

Samantala, unti-unti nang nagkakaroon ng porma ang magiging kasal nila ni Ogie. Bukod kay Dr. Vicki Belo, kasama na rin sa mga magni-ninong sina Atty. Felipe Gozon, Mother Lily Monteverde at si P-NOY daw na akala ko nung una ay mas gustong maging abay kesa ninong. Walong pares lahat ng mga sponsors at mga 300 ang magiging bisita.

Pula at hindi puti ang kulay ng wedding gown ni Regine at magiging Christian wedding ito.

* * *

Hindi naman pala totoong nagkadiperensiya sa mukha si Dr. Pie Calayan. Matagal din na naging malaking tsismis ito at pinaniwalaan ng marami dahil hindi umuuwi rito sa Pilipinas ang mabait na kabiyak ni Dr. Manny. Maski na ang debut ng kanyang anak ay natiis niya na hindi daluhan.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na mapasyalan siya sa napakarangya niyang klinika sa Hollywood at talaga namang nalula ako sa ganda at linis ng kanyang klinika.

Mga mayayaman ang kliyente ng klinika base sa halaga ng mga bayad sa serbisyong ibinibigay dito. Si Dra. Pie mismo ang nag-asikaso at tumanggap sa akin at nakita ko na happy siya sa kanyang trabaho dun at sa estado ng kanilang negosyo.

Sulit ang hindi niya pag-uwi. Siya naman ang pinapasyalan ng kanyang pamilya dun. Once a month, naroroon si Doc Manny.

* * *

Hindi lamang pala ang sexy billboard niya sa EDSA ang kasama sa ilang pagbabago kay Christian Bautista. Gagawa na rin siya ng isang teleserye sa Kapamilya Network.

Isa itong pang-hapong serye kasama ang Malaysian actress na si Carmen Soo.

Magandang preparasyon na rin ito’t paghahanda sa nakatakda niyang gagawing serye sa Indonesia na gagawin niya sa Bahasa, ang lenggwahe ng Indonesia. Ngayon pa lamang ay panay na ang pag-aaral niya ng nasabing lenggwahe.

Sa mga hindi nakakaalam at worried na baka mahirapan siyang umarte, si Christian po ay isa ring theater actor. Nakalabas na ito sa ilang pagtatanghal sa stage at minsan ay nakapareha pa niya si Karylle. Kayang-kaya niyang umarte sa stage, mamaniin lang niya ito, huwag kayong mag-alala.

o0o

Asahan n’yong uugong na naman ang kaso ng paghihiwalay nila ni Kris Aquino at James Yap.

Nabalitaan agad nito ang diumano’y pagkikita ng kanyang misis at ni Makati Mayor Junjun Binay pero quiet lang siya. Si James ba ang dahilan kaya panay ang pagpapaliwanag ni Kris tungkol dito at sinasabing hindi sila nag-date kundi nagkita lamang sa isang mall, at pareho silang maraming kasama?

Hay naku, Kris, kahit anong paliwanag ang gawin mo, paniniwalaan at paniniwalaan ng mga tao ang gusto nila. ’Yung bintang mo kay James ay pinaniniwalaan din nila kaya nga sa halip na magsalita pa ang asawa mo ay tumatahimik na lamang ito para maputol lang ang isyu at tumahimik ang lahat. Ganito na rin ang gawin mo para madaling matapos ang kaso n’yo.

At sana kahit maghiwalay kayo ni James, maging civil man lang kayo sa isa’t isa, for the sake of Baby James.

vuukle comment

AGA MUHLACH

BABY JAMES

CARMEN SOO

CHRISTIAN BAUTISTA

DOC MANNY

FELIPE GOZON

JAMES YAP

JUNJUN BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with