^

PSN Showbiz

Pilyang Kerubin huling linggo na sa ere

-

MANILA, Philippines - Itong linggo (Aug. 23-27) na lang ang huling lipad ng bidang anghel ng Pilyang Kerubin ng GMA Network dahil nakatakda nang bumalik sa langit ang bidang si Angelica (Barbie For­teza).

Simula nang ipalabas ang telefantasya, kinagiliwan na ito ng mga manonood, lalo na ang mga bata. Kaya tiyak na mami-miss nila ang ad­venture ng ang­hel na napababa sa lupa.

Bukod sa magandang istorya at cast, naging usap-usapan din ang mga naging bisita ng prog­rama tulad nina Maricel Soriano, Marvin Agustin, Jennica Gar­cia, Carl Guevarra, Iwa Moto, Iza Calzado, Jiro Ma­nio, at TJ Trinidad.

Malalaman na ng mga tagasubaybay kung mai­bibigay na ba ng langit kay Angelica ang kanyang pakpak? Si Charity naman, pipiliin na kayang maging Lupang Anghel na lang para makasama ang mga magulang?

Ang Pilyang Kerubin ay sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes kasama ang mga Kapusong aktor na sina Raymart San­tiago, Angelika dela Cruz, Eddie Garcia, Janno Gibbs, Joshua Dionisio, Elmo Ma­galona, Lotlot de Leon, Maureen Lar­razabal, John Lapus, Ryan Yllana, Jewel Mische, Ritchie Paul Gutierrez, Ina Feleo, Alliyah dela Riva, at Yogo Singh.

Tandaan, final week na ng Pilyang Kerubin at mapa­panood ito pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

ANG PILYANG KERUBIN

BARBIE FOR

CARL GUEVARRA

EDDIE GARCIA

ELMO MA

INA FELEO

IWA MOTO

IZA CALZADO

PILYANG KERUBIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with